^

PSN Palaro

Clippers pasok sa playoffs

Pilipino Star Ngayon

76ers nakaiwas maitala ang NBA record na 27 sunod na kabiguan

HOUSTON -- Tila mi­nalas ang Los Angeles Clip­pers sa kaagahan ng ka­nilang laro laban sa Houston Rockets.

Nagkaroon si All-Star Blake Griffin ng back spasms sa first quarter at nang magwala si Glen Davis  sa second period ay tinam­ba­kan na ng Rockets ang Clippers ng 13 points.

Subalit imbes na manlu­mo ay naging determinado ang Clippers sa pangu­nguna ni guard Chris Paul pa­ra talunin ang Rockets, 118-107.

Kumolekta si Paul ng 30 points at 12 assists at nag­dagdag si Jamal Crawford ng 22 points para igiya sa Clippers ang franchise-record nitong ikatlong sunod na playoff appearance.

Humakot naman si center DeAndre Jordan ng 20 points, 12 rebounds at 6 blocks para sa Clippers.

Ikinatuwa ni head coach Doc Rivers ang pagbangon ng Los Angeles mula sa isang 13-point deficit sa se­cond period.

‘’We’re here to win games and our guys are gro­wing up, they’re mature and it was great,’’ sabi ni Ri­vers.

Tinapos ng Clippers ang five-game winning streak ng Rockets, hindi nakuha ang serbisyo ni center Dwight Ho­ward bunga ng injuriy.

Ibinaon ng Rockets ang Clippers sa 15 points sa first half bago nakabawi ang huli para agawin ang unahan sa third period.

Ang magkasunod na three-point shots nina Matt Barnes at Darren Collison ang nagbigay sa Clippers ng malaking 114-101 bentahe laban sa Rockets sa fourth quarter.

Tumapos si James Har­den na may 32 points para sa Houston kasunod ang 28 ni Chandler Parsons.

Sa Philadelphia, naiwa­san ng 76ers na makapagtala ng record na 27 sunod na kamalasan matapos ku­nin ang 123-98 home victory laban sa Detroit Pistons.

Naglista si Thaddeus Young ng 21 points, 6 rebounds at 3 assists para sa 76ers, bago ang panalo ay may 18 dikit na kabiguan sa Philadelphia at 26 sa ka­buuan.

Ang Cleveland Cavaliers ang nagposte ng NBA record na 26 sunod na kabiguan noong 2010-11.

Sa San Antonio, umiskor si Marco Belinelli ng 18 points at sinakyan ng Spurs ang isang 17-game winning streak nang kunin ang 96-80 panalo laban sa New Orleans Pelicans

 

vuukle comment

ALL-STAR BLAKE GRIFFIN

ANG CLEVELAND CAVALIERS

CHANDLER PARSONS

CHRIS PAUL

CLIPPERS

DARREN COLLISON

DETROIT PISTONS

POINTS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with