^

PSN Opinyon

Tiyak na manggagalaiti

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

BUKOD sa makasaysa­yang lagdaan sa pagitan ng MILF at gobyerno para sa Comprehensive Agreement on Bangsa-moro, nilagdaan na rin ng gobyerno ang kasun­du­an para bumili ng mga ka­gami­tang militar mula sa South Korea at Canada sa halagang $528 milyon. Baha­gi ito ng isinasagawang mo­dernisasyon ng AFP. Labindalawang FA-50 lead in fighter jets ang bibilhin mula sa South Korea, at walong Bell helicopters naman mula sa Canada. Magsisimula ang pagtanggap ng mga kagamitan sa mga susunod na taon.

Tiyak na manggaga­laiti na naman ang China sa hakbang na ito ng Pi­lipinas. Tuwing may pi­­nag-uusapang hakbang para palakasin ang militar ng Pilipinas, may masamang reaksyon ang China. Tila sila lang ang may karapatang magkaroon ng malakas na militar. At sa plano ng Pilipinas na magsampa ng memorial na may kaugnayan sa kaso natin sa International Tribunal for the Law of the Sea (ITLOS), siguradong lalong magagalit ang China. Binatikos din ng China ang ginagawang usapan ng bansa at ng militar ng Amerika, para magamit nila ang mga base militar natin kapag nasa rehiyon sila. Ayon naman sa Palasyo, handa sila sa anumang hakbang ng China laban sa bansa. Nagbabala ang China na kung itutuloy ang pagsampa ng nasabing memorial, magpapataw daw sila ng kaparusahan sa bansa. Hindi pa alam kung anong klaseng kaparusahan ito. Maaaring sa ekonomiya, maaring pulitika. Hindi naman siguro militar, kung alam ng China ang magiging epekto nito sa rehiyon.

Wala talagang ma­ka­intindi sa mga pahayag ng China sa kanilang “Nine-Dash Line” na pag-aangkin ng teritoryo. Kaya wala na tayong ma­gawa kundi dalhin sila sa korte, ika nga, na ikinagalit naman ng China. Sa mga bagong develop­ment na ito sa panig natin, hihintayin naman natin ngayon ang kilos ng China. May suporta tayo mula sa maraming bansa. Sana sang-ayunan ng UN ang ating hiling, ang ating katayuan. Pero may kutob ako na kahit ano pa ang sabihin ng UN, kahit ano pa ang maging desisyon nila, hindi ito sa­sang-ayunan ng China, at idadaan pa rin sa panindak at lakas-militar. Ang tanong, kung handa ang Palasyo sa larangan ng pulitika, handa na rin ba sa lakas ng militar? O tiyak na may tutulong sa atin kung saka-sakali?

 

CHINA

COMPREHENSIVE AGREEMENT

INTERNATIONAL TRIBUNAL

LAW OF THE SEA

MILITAR

NINE-DASH LINE

PALASYO

SHY

SOUTH KOREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with