China banta na sa buong daigdig
ANG ginagawang panduduro ng China sa Pilipinas ay hindi lamang banta sa ating seguridad kundi sa buong daigdig.
Para sa Malacañang, pagsisikapan pang gumamit ng lahat ng diplomatiko at mapayapang paraan para maÂresolba ang isyung ito. Ngunit bakit tila kakaiba ang paninindigan ng Department of Foreign Affairs?
Anang DFA, kinokonsidera ng pamahalaan ang paghahain ng panibagong protesta laban sa China dahil sa muling panghaharas at pagharang sa barko ng Pilipinas na magde-deliver ng pagkain at iba pang supply sa mga sundalong Pinoy na naka-istasyon sa Ayungin shoal noong Sabado ng hapon.
Sobrang abuso na ang ginagawa ng China dahil hindi lang naman Pilipinas ang tinatakot nito kundi bawat bansang may paghahabol sa Spratly Group of Islands.
Kung ako ang tatanungin, kahit tututol ang ibang grupong militante, hihingin ko na ang saklolo ng mga tinatawag na superpower tulad ng Amerika. At kahit hindi hingin, dapat nang kumilos ang mga kanluraning bansa para saklolohan ang mga bansa sa Asia na tinatakot ng China. Mas seryoso at lantaran ang ginagawang kabulastugan ng China. Ipinakikita ang lakas at pangil sa buong daigdig.
Ayon sa DFA pinag-aaralan na nito ang paghahain ng diplomatic protest laban sa China dahil sa naganap na dalaÂwang oras na stand off sa pagitan ng civilian ship ng Pilipinas at dalawang barko ng China Coast Guard (CCG) sa Ayungin shoal sa Spartlys.
Hanggang pagkondena na lang ba tayo sa pananakot na ganito? Dapat ay umaksyon na para masupil ang pag-hahambog ng China sa bahaging ito ng daigdig.
Mula pa noong 1999 ay may maliit na puwersa na ang Pilipinas na nakahimpil sa Ayungin Shoal at walang karapatan ang China na takutin ang puwersa ng Pilipinas sa sariling karagatang sakop natin.
- Latest