^

PSN Opinyon

Kapayapaan sa Mindanao: Buong bansa makikinabang

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

HINDI lang para sa taga-Mindanao ang peace agreement ng gobyerno at ng Moro Islamic Liberation Front. Buong bansa ang makikinabang.

Totoo na kapag may peace agreement, unang makikinabang ang Mindanao. Hindi na kailangang mapatay ang 200 Moro at 100 sundalo kada taon, at masugatan ang 40 at 90 sa magkabilang panig, bukod pa ang civilian casualties. Unti-unti makababalik sa kani-kanilang tahanan at komunidad ang 800,000 Kristiyano, Muslim, at Lumad na lumisan sa bakbakan. Makakapag-hanapbuhay, -aral, -asawa, -liwaliw, at -samba sila nang malaya at matiwasay.

Sisigla ang bawat isa at buong rehiyon. Hindi na kailangan maging mahaba na ang buhay kung makatuntong sa edad-51 sa Tawai-Tawi, 52 sa Maguindanao, 53 sa Sulu, 58 sa Lanao del Sur, at 61 sa Basilan. Makakahabol na sila sa karaniwang haba ng buhay na 73 taon sa pinaka-mauunlad na Cebu, 72 sa Batangas o Pampanga, o 71 sa Bulacan o Camarines Sur.

Pero malaki rin ang epekto sa mga taga-Luzon at Visayas. Una, sa larangan ng militar, hindi na mag-aaksaya ang gobyerno ng bilyon-piso araw-araw para sa bala at bomba. Magagamit ang pondo para harapin ng Armed Forces ang mga bantang panlabas. Hindi na rin mauubos ang pera at panahon ng gobyerno sa refugees. Maibabaling ang pera para sa kalusugan at pabahay ng buong bansa.

Ang matitipid mula sa kawalang-giyera sa Mindanao ay mailalaan ng gobyerno para sa pagpapagawa ng kalsada, tulay, paliparan, piyer sa mas maraming isla. Gay’un din, para sa patubig, kontra-baha, at dagdag ani. At siyempre, sa edukasyon na mithiin ng bawat Pilipino.

Higit sa lahat, tatag na bansa dahil sa pag-uunawaan at bigayan.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

 

ARMED FORCES

BASILAN

BATANGAS

BULACAN

BUONG

CAMARINES SUR

CEBU

HIGIT

MINDANAO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with