^

Punto Mo

Lalaki, naligaw sa sariling bakuran

- Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 30-anyos na lala­ki sa Australia ang humi­ngi ng saklolo sa mga pulis matapos maligaw sa kanyang sariling bakuran. Ang lalaki, na humiling na itago siya sa pangalang Jason, ay tumawag sa mga pulis matapos mapagtanto na hindi na niya alam kung nasaan siya sa kanyang walong ektaryang bakuran.

Lumabas si Jason nang gabing iyon upang hanapin ang kanyang nawawalang aso na si Mumbles. Narinig niya itong kumakahol sa labas habang siya ay nanood ng TV at umiinom ng beer. Sumilip siya sa labas upang malaman kung bakit kumakahol ang kanyang alaga at nagulat siya sapagkat isang mabangis na aso ang kanyang nakita sa sariling bakuran. Dahil gustong masiguro ang kaligtasan ni Mumbles, agad siyang lumabas ng bahay na naka-shorts at dala ang cell phone.

Naglakad-lakad siya sa kanyang bakuran hanggang madako sa lugar na may talahib. Naglakad pa siya hanggang hindi na niya alam kung nasaan siya. Tumawag siya sa emergency hotline gamit ang dalang cell phone ngunit hindi siya sineryoso ng unang operator na nakasagot sa kanya at sinabing hindi naman emergency ang kanyang problema. Mabuti na lamang at sineryoso na siya ng pangalawang operator na nakasagot matapos niyang subukan ulit na tumawag. Humingi naman ng saklolo ang operator mula sa mga pulis na agad namang pinuntahan ang bakuran ni Jason.

Tumigil na si Jason sa pag­lalakad at natulog na lamang habang hinihintay ang mga sasaklolo sa kanya. Matapos ang isang oras, narinig na niya ang mga sigaw ng mga pulis at nakita niya ang ilaw ng mga flashlight.

Wala namang tinamong sugat o kahit anong pinsala si Jason. Nahihiya siya sa nangyari na naligaw sa sariling bakuran. Nagpasasalamat pa rin siya sa mga pulis at mga kapitbahay na nagtulong-tulong para siya hanapin.

 

 

BAKURAN

DAHIL

HUMINGI

KANYANG

LUMABAS

MATAPOS

NAGLAKAD

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with