Lucky office desk
• Huwag ipupuwesto ang desk kung saan nakatalikod ka sa bintana. Hindi ka makakatanggap ng suporta sa iyong mga officemates at boss.
• Huwag ipupuwesto ang desk kung saan nakatalikod ka sa main entrance. Lihim kang sisiraan ng officemates mo.
• Huwag tatapat sa pintuan. Ang lahat ng energy na papasok sa opisina ay sa iyo tatama at hindi iyon maganda. Lahat ng sobra ay masama. Okey lang na nakaharap sa pintuan pero nakalihis ang iyong puwesto.
• Ang magandang puwesto ay sa pader ka nakatalikod tapos sasabitan mo ang wall ng painting/picture/poster ng mountains. Lahat ng tao sa opisina ay madali mong makukuha ang suporta kasama na ang iyong bosing.
• Makakaakit ka ng positive energy or work luck kung magdidispley ka sa ibabaw ng iyong desk ng mga bagay na magre-represent ng five elements: earth, metal, fire, water, wood. Ipupuwesto mo ang mga lucky charm na ito ayon sa angkop nilang direction:
North—cup of coffee or tea
Northeast—crystal paperweight
Northwest—computer
East—fresh flower
Southeast—small green plant with round leaves
South—desk lamp or bagay na kulay pula
West—golden ingot (nabibili sa lucky charm store sa Ongpin)
- Latest