^

Bansa

'Caloy' tatama sa Davao, signal #1 sa 4 na lugar

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Apat na probinsiya ang isinailalim sa public storm warning signal no. 1 matapos maging ganap na bagyo na ang low pressure area sa silangang bahagi ng Mindanao, ayon sa state weather bureau ngayong Biyernes.

Namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyong "Caloy" sa 360 kilometro silangan ng Davao city na may lakas na 45 kilometers per hour kaninang alas-4 ng umaga.

Gumagalaw pa kanluran ang ikatlong  bagyo ngayong taon at inaasahang tatama sa kalupaan ng Davao Oriental sa loob ng 24 oras.

Nakataas ang signal no. 1 sa  Surigao del Sur, Agusan del Sur, Davao del Norte at Davao Oriental.

Tinatayang nasa 180 km silangan ng Davao City si Caloy sa Sabado, at nasa 40 km hilaga ng kaparehong lugar sa Linggo.

Samantala, magiging maulap ang kalangitan ng Visayas at Mindanao na may mahina hanggang katamtamang pag-ulan ngayong weekend.

Mananatili namang maaliwalas ang panahon sa Luzon, kabilang ang Metro Manila, ngunit maaaring magkaroon ng pulu-pulong pag-ulan.

AGUSAN

APAT

CALOY

DAVAO

DAVAO CITY

DAVAO ORIENTAL

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

METRO MANILA

MINDANAO

PHILIPPINE ATMOSPHERIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with