Pasay: Hindi lang ‘Sin City’ kundi ‘Drug City’
DAPAT gayahin ni Pasay City Mayor Tony Calixto ang sistema ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte para tuluyan nang tuldukan ang problema ng droga sa kanyang siyudad. Si Duterte kasi mga kosa ay nag-offer ng cash at mamahaling sasakyan sa informants laban sa mga pusher at drug syndicate sa kanyang sakop. Hamakin n’yo, aabot sa milyon ang reward ng informants kapag malaking isda ang madakip ng pulisya at meron pang nakaambang na Isuzu Crosswind at Montero Sport. Kung ang mga pusher at drug syndicates ay may lagay sa mga pulis, hindi sila uubra sa premyo na iniatang ni Duterte kasi mas malaki ito kaya naglayasan ang mga ito sa Davao City. Subalit sa Pasay parang binabalewala ni Calixto ang problemang dulot ng droga at nangangamba ang mga residente na baka magising na lang siya isang araw na parang Columbia o Mexico na ang siyudad n’ya, di ba mga kosa? Hehehe! Dati “Sin City†lang ang bansag ng Pasay subalit sa ngayon nadagdagan pa ito ng “Drug City.†Mismo!
Mukhang “Wild, Wild West†kasi sa ngayon ang Pasay kung patayan na nag-uugat sa droga ang gagawing basehan. Halos weekly eh me natutumba at kung rerebisahing maigi, NCRPO chief Director Carmelo Valmoria Sir, puro drug personalities ang namamatay. Ang huling biktima ay isang lalaking kalalabas lang ng kulungan noong nakaraang Lunes bago lumusob si Valmoria sa Pasay City police headquarters. Bago pala makulong, may pagkakautang na ang lalaki sa drug syndicate kaya hayun itinumba siya tatlong araw matapos siyang makalaya. Hindi lang yung mga hindi nakakapag-remit ang itinutumba ng mga riding-in-tandem suspects, Gen. Valmoria Sir kundi maging ang drug pushers na lumipat sa kabilang kuwadra. Hehehe! Matira ang matibay ang labanan sa Pasay, mga kosa?
Kung sa Davao busog ng suporta ni Duterte ang pulisya sa kampanya laban sa droga, sa Pasay naman eh “bahala na sila sa buhay nila.†Ang ibig sabihin mga kosa, paano gaganahan ang pulisya na magtrabaho e ang P2,000 allowance nga nila galing sa City Hall ay hindi pa natugunan ni Calixto mula pa noong Nobyembre? Dahil siguro sa kakapusan ng pondo, imbes na hulihin ang drug pushers ay kinokolektahan na lang sila ng weekly payola ng mga tiwaling pulis. Ayos ba, Sir Palaton? Parang kasabihan na “If you can’t lick ‘em join them,†di ba mga kosa? Mismo!
Pero in fairness naman, nanghuhuli din naman ng drug pushers ang mga tauhan ni Sr. Supt. Florencio Ortilla, hepe ng Pasay police. Kaya lang, kapag dinala na ang mga naarestong suspects sa police headquarters, aba inuulan ng tawag si Ortilla ng mga pulitiko na inaarbor ang huli nila. Alam mo ba ito Mayor Calixto Sir? Kalat na kasi sa Camp Crame na ang mga bigtime drug pushers sa Pasay ay mga pulis at barangay official at protektado sila ng mga pulitiko. Kaya kahit sinong magaling na police official pa ang gawing hepe ng Pasay police, hindi magtatagumpay ang kampanya niya laban sa droga kung walang todong suporta ni Calixto. Abangan!
- Latest