50 Life Secrets and Tips
21. Kung hindi ka happy sa pagiging single, malaki ang tsansa na hindi ka rin magiging happy kung may karelasyon. Ang kaligayahan kasi ay nakabaon diyan sa puso mo, wala sa pakikipagrelasyon.
22. Kung naghahanap ka ng ebidensiya bilang pruweba na mahal ka niya, then, hindi ka niya talaga mahal.
23. Kung totoong mahal ka ng isang tao, mga 5 seconds or higit pa ang itinatagal ng pagyakap niya sa iyo.
24. Kung hindi ka bilib sa iyong sarili, then, sinong tao ang maniniwala sa iyo?
25. Ayusin ang iyong porma. Kapag gusto mo ang iyong hitsura, nakikita ang self-confidence sa kilos mo at pagsasalita.
26. Kahit hindi ka nagmamadali, bilisan mo ang iyong paglalakad upang mabigyan mo ng energy ang iyong kilos. Ang pagdagdag ng bilis sa paglalakad ng mga 25 percent ay nakakatulong upang madama mo at maipakita sa ibang tao ang iyong importansiya.
27. Malaki ang nagagawa ng good posture.
28. Pagkagising sa umaga, isipin ang sampung bagay na dapat mong ipagpasalamat sa Diyos. Kung nakapokus ang isip mo sa mga grasyang natanggap mo, hindi mo na maiisip ang mga bagay na wala ka.
29. Maging “generous†sa pagbibigay ng walang kaplastikang papuri sa ibang tao. Nakakatulong ito para maging positive ang tingin mo sa iyong sarili.
30. Laging umupo sa unahan. Ang pag-upo sa hulihan o sa isang sulok ay tanda ng inferiority complex.
(Itutuloy)
- Latest