^

Metro

Pag-unlad ng negosyo, tahimik na Chinese community hangad ni Isko

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hangad ni Manila Vice Mayor Isko Moreno ang  mas progresibo at matiwasay na Chinese community kasabay ng  pagdiriwang ng  Chinese New Year sa loob ng  15 araw.

Ayon kay Moreno, hangad niya na mas lumawak pa ang negosyo ng mga kapatid na Chinese hindi lamang sa Binondo kundi maging sa buong bansa.

Sinabi ni Moreno na walang dapat na ikabahala ang  mga negosyanteng  Chinese dahil patuloy na pagpapaigting sa kanilang  seguridad ang  ginagawa ngayon ng local na pamahalaan sa pamumuno ni Manila Mayor Joseph Estrada.

Aniya, hihigpitan pa ng  local government ang kanilang kampanya laban sa kotong at iba pang uri ng harassment  sa mga negosyante.

Paliwanag ng bise alkalde kailangang maibalik ang tiwala ng  mga negosyanteng Intsik na mamuhunan sa lungsod tungo din sa pag-unlad ng bansa.

Umaasa rin si Moreno na bubuti ang relasyon ng Filipino at Chinese na negosyante.

Matatandaang pinangunahan nina Estrada, Moreno at 3rd District Councilor Bernie Ang ang pagsalubong sa  Chinese New Year sa Binondo, Maynila.

 

ANIYA

AYON

BINONDO

CHINESE

CHINESE NEW YEAR

DISTRICT COUNCILOR BERNIE ANG

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MORENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with