Phl Team abante sa Davis Cup tie
MANILA, Philippines - Tinalo nina Fil-Ams Treat Huey at Ruben Gonzales sina Rajeev Rajapakse at Harshana Godamanna, 6-1, 6-0, 6-1, sa doubles event para ibigay sa Pilipinas ang 2-1 abante laban sa Sri Lanka sa Asia Oceania Zone Group II Davis Cup tie sa Colombo.
Ganap na dinomina nina Huey, umakyat sa No. 21 sa Association of Tennis Professionals rankings maÂtapos makapasok sa quarterfinal round ng Australian Open, at Gonzales, pinalitan si Johnny Arcilla sa koÂponan, sina Rajapakse at Godamanna sa kanilang laro.
Pipilitin ng tropa na makuha ang panalo sa reverse singles tampok ang pakikipagharap ni Gonzales kay Godamanna at ang pakikipagtagpo ni PJ Tierro kay Dineshanthan Thangarajah.
Natalo si Tierro kay Godamanna sa singles, 6-3, 6-7 (8), 4-6, 6-2, 6-3, bago nanalo si Gonzales kay Thangarajah, 6-3, 6-3, 6-0, para sa 1-1 pagkakatabla.
- Latest