^

PSN Showbiz

Lakas ng loob: Deniece gustong magbigay ng honor sa Pilipinas?!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Ang music icons na sina Michael Jackson, Whitney Houston, Elvis Presley, at ang The Beatles ang bibigyang halaga ng Sunday All Stars ngayong araw at isasabuhay ang mga pinasikat na awitin.

Mga bagong leader pa ng Tweethearts, Tropang Trending, Ligang iLike, at Instagang ang magpapakitang gilas kaya abangan.

PAK: Tinanggal agad ni Deniece Millinette Cornejo sa kanyang Instagram account ang ipinoste nitong “ang kabutihan ay hindi mananaig sa kasamaan.” Pero na-save ito ng isang writer at kumalat pa rin.

Malamang na may nagsabi sa kanyang mali ito o baka iyon naman talaga ang gusto niyang ipara­ting?

Hindi lang naman sa Instagram niya sinabi iyon kundi sa huli naming interview sa kanya.

“Kaya hindi po ako uuwi na hindi nagbibigay ho­nor, hindi lang sa pamilya ko kundi sa buong Pilipinas, na hindi mananalo ang kabutihan sa kasamaan,” sabi ng dalaga.

Baka nalito lang daw si Deniece lalo na’t hindi naman daw ito sanay sa interviews.

Abangan mamaya sa Startalk live guest si Deniece sa mga bago pa niyang isisiwalat kaugnay sa gulong kinasangkutan nila ni Vhong Navarro.

BOOM: Hindi na lang pinansin ni BB Gandanghari ang napabalitang patay na raw siya sa sakit na acquired immunodeficiency syndrome o mas kilala bilang AIDS.

Malabo raw talagang magka-AIDS siya dahil nag-iingat daw siya at bukod pa sa walang-wala raw siya ngayon as in tigang na tigang.

“Abstaining na nga yata ako eh. Parang wala talaga eh. Wala naman kasing karelasyon kaya wala talaga,” natatawa niyang pahayag.

“Parang celibacy na nga ang peg eh kasi I only do it for love eh and I need to know the person muna talaga,” sabi pa niya.

DENIECE

DENIECE MILLINETTE CORNEJO

ELVIS PRESLEY

INSTAGRAM

MICHAEL JACKSON

SUNDAY ALL STARS

TROPANG TRENDING

VHONG NAVARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with