ASAP dinagsa ng 18k sa Dubai!
MANILA, Philippines - Dadalhin ng ABS-CBN ang TV viewers sa Middle East ngayong Linggo (PebÂrero 2) sa pamamagitan ng ASAP Live in Dubai na dinumog kamakailan sa Dubai Festival City ng 18,000 katao.
Sa unang bahagi ng TV special ng ASAP 19, saksihan ang world-class concert experience na itinampok sa kauna-unahang pagtatanghal ng longest-running musical-variety show ng ABS-CBN sa United Arab Emirates (UAE). Nagbigay-saya sa mga Kapamilya sa Dubai ang mahigit na 40 Kapamilya stars na pinangunahan nina Mr. Pure Energy Gary Valenciano, Concert King Martin Nievera, Ultimate Showgirl Vina Morales, Divine Diva ZsaZsa Padilla, at Queen of All Media Kris Aquino.
Sa ginanap na ASAP Live in Dubai na opisyal na bahagi ng 2014 Dubai Shopping Festival, inilunsad ng ABS-CBN The Filipino Channel (TFC) Middle East ang partnership nito sa leading pay TV network sa Middle East na OSN.
Aapaw rin ang pag-ibig ngayong Linggo sa special romantic treats mula sa The Legal Wife team-up nina Jericho Rosales at Angel Locsin; at tambalang Home Sweetie Home nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga.
Tiyak kikiligin ang mga manonood sa inihandang production numbers ng Kapamilya heartthrobs na sina Piolo Pascual, Sam Milby, Luis Manzano, at Richard Yap.
Samantala, humanda para sa de-kalibreng musical performances nina Charice, Bamboo, Erik Santos, Yeng Constantino, Jed Madela, Angeline Quinto, Nikki Gil, Zia Quizon, Jovit Baldivino, Marcelito Pomoy, at ASAP Sessionistas; at makalaglag-pangang OPM diva treats mula kina Klarisse at Morisette.
Tunghayan din ang makapigil-hiningang dance showcase sa ASAP Supahdance kasama sina Kim Chiu, Cristine Reyes, Shaina Magdayao, Maja Salvador, Gerald Anderson, Enchong Dee, Enrique Gil, Jessy Mendiola, Julia Montes, Erich Gonzales, Iya Villania, John Prats, Rayver Cruz, Robi Domingo, at Alex Gonzaga.
- Latest