^

PSN Opinyon

Kausapin at i-pacify lahat ng rebels

- Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

ISUSUMITE ng Malacañang sa Kongreso para marepaso at maisabatas ang kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF). Tiyak na magkakaroon ng diskusyon o debate tungkol dito. Halimbawa, itatanong ko kung ano ang motibo ng Malaysia at bakit pumayag ito na maging conciliator sa usaping pangkapayapaan sa Mindanao.

Ako ay nagsimula ng aking career sa public service bilang mediator-factfinder noong dekada 1970s sa Department of Labor and Employment sa ilalim ni Secretary Blas F. Ople. Base sa aking naging karanasan at napag-aralan, ang isang mediator-factfinder o conci-liator ay dapat absolutely neutral o walang kinikilingan sa mga partidong nagaaway o may di pinagkakasunduan. Dahil kapag natunugan ng isang partido na ang concilia­tor ay kumakampi sa kalaban, imposibleng magkaroon ng kasunduan.

Ang Malaysia ay hindi ko masasabing absolutely neutral. Maraming military intelligence reports magmula pa noong panahon ni President Cory Aquino at President Ramos na ang tumutustos sa mga pangangailangan ng mga rebelde ay ang Malaysia. Ayon sa Wikipedia, Malaysia rin ang nagbigay ng training camps sa Kota Kinabalu sa Muslim rebels.

Kaya hindi ko maintindihan kung bakit si dating Pre-sident Gloria Macapagal Arroyo at kasalukuyang President Noynoy Aquino ay pumayag na maging mediator ang Malaysia. May hidden agenda ba ang Malaysia na may kaugnayan sa ating Sabah claim? Bubusisiin ko ito. Aalamin ko rin kung bakit initsapuwera ng gobyerno ang MNLF at BIFF sa usapan.

Simple lang ang itatanong ko kay Secretary Teresita Deles, peace adviser ni P-Noy:  Kapag ba may tatlong maton na naghahasik ng gulo sa isang barangay, sapat na ba na ang kakausapin at i-pacify ay isa lamang sa mga maton sa halip na lahat?

vuukle comment

ANG MALAYSIA

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

GLORIA MACAPAGAL ARROYO

KOTA KINABALU

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PRESIDENT CORY AQUINO

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

PRESIDENT RAMOS

SECRETARY BLAS F

SECRETARY TERESITA DELES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with