Ginebra, San Mig mag-uunahan sa 2-1 lead: Petron nakaisa sa Rain or Shine
Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena, Pasay City)
5 p.m. Ginebra vs San Mig Coffee (Game 3)
MANILA, Philippines - Kung naging pikunin si June Mar Fajardo sa unang dalawang laro sa kanilang semifinals series, hindi na ito nakita kagabi sa 6-foot-10 Cebuano giant.
Humakot si Fajardo ng 14 points at 12 rebounds para tulungan ang Petron Blaze sa 106-73 panalo kontra sa Rain or Shine sa Game Three ng kanilang semifinals wars para sa 2013-2014 PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Pinangunahan ni 2013 PBA Most Valuable Player Arwind Santos ang Boosters sa kanyang 22 markers at 18 boards, samantalang nagdagdag ng 15 points si point guard Alex CabagÂnot para sa 1-2 agwat sa kanilang best-of-seven series ng Elasto Painters.
Inangkin ng Rain or Shine ang Game One (103-95) at Game Two (103-94).
“It really feels good to finally get our first win in the series. I thought we played well in the second game; unfortunately, we weren’t able to finish it off,†sabi ni Petron coach Gee Abanilla.
“We made some adjustments, and I’m just happy the guys responded,†dagdag pa nito.
Binuksan ng BoosÂters ang laro mula sa 15-4 abante sa Elasto Painters bago ito pinalaki sa 44-24 mula sa isang three-point shot ni Chris Lutz sa seÂcond period.
Itinala ng Petron ang isang 29-point lead, 55-26, sa huling 3:18 ng nasabing yugto kung saan natawagan ng technical foul si Rain or Shine coach Yeng Guiao.
Tuluyan nang napatalsik sa laro si Guiao sa huÂling 1:36 ng third canto kung saan hawak ng Boosters ang 75-58 bentahe laban sa Elasto Painters.
Samantala, target naman ng Barangay Ginebra ang 2-0 abante laban sa San Mig Coffee sa Game Two ng kanilang serye ngayong alas-5 ng hapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Matapos isuko ang Game One, 83-85, binalikan ng Gin Kings ang MiÂxers sa Game Two, 93-64.
Petron 106 - Santos 22, Cabagnot 15, Fajardo 14, Lassiter 13, Lutz 11, Kramer 8, Ross 8, Duncil 4, Tubid 3, Taha 3, Deutchman 3, HuÂbalde 2, Lanete 0.
Rain or Shine 73 - Belga 14, Quiñahan 10, Almazan 10, Araña 8, Norwood 8, Tiu 7, Tang 4, Ibañes 4, Lee 4, Rodriguez 2, Cruz 1, Chan 1, Nuyles 0, Teng 0.
Quarterscores: 30-12; 59-36; 77-62; 106-73.
- Latest