Voter’s registration sa 2016 pres’l polls ikinakasa na ng Comelec
MANILA, Philippines - Puspusan na ngayo ang ginagawang paghahanda ng Commission on Elections (Comelec) para sa pagpapatuloy ng voter’s registration na magsisimula sa darating na Abril 2014.
Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, nais nilang matiyak na kumpleto na ang lahat para sa pagparehistro ng mga botante.
Sa ngayon ay pinaplantsa na lang ng ahensiya ang mga kagamitang kailangan pa para sa nationwide registration.
Bagama’t hindi pa tinukoy ni Jimenez kung ilang machines na ang nabili at gagamitin sa registration subalit tiniyak nito na magiging sapat ito bago ang mismong pagsimula ng kanilang pagparehistro.
Inaasahan kasi ang nasa 7 hanggang 8 milyon na mga botante pa ang walang biometrics.
Kumpiyansa ang CoÂmelec na 52 million registered voters ang magkakaroon na ng biometrics sa pagsapit ng 2016 presidential elections.
- Latest