^

Kutob

(Enero 30, 2014)

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Lahat ng iyong pagkilos ay may katumbas na pananagutan, lalo na sa mata ng iyong Lumikha.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Kahit ma­bagal o maliit ang simula kung daragdagan ang sipag at tiyaga ay malulutas ang suliraning pinan­siyal. Ilagay sa mahigpitan na budget ang lahat ng gastusin. Magiging mainitin ang ulo at madaling magalit kung may mangungulit o magbibiro. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 29, 36 at aquamarine.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Makakakita ng magandang pagkakataon para magsimula ng negosyo. May pagkakataon na makahanap ng paraan para magkaroon ng seguridad sa sarili. Tatahakin ang tamang landas sa buhay kung makikinig sa payo ng mga magulang. Kung may kahirapan noon, ngayon ang simula ng kaginhawaan. Lucky numbers at color for the day ay 12, 18, 23, 33 at ruby red.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Tawag ng panahon para maiwasan ang kaibigan sa turing lamang at wala sa gawa. Ang tunay na kaibigan ay sa kagipitan nakikilala. Magiging maligaya ang romansa. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 19, 30 at dollar green.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Bigyan ng pansin at wastong pangangalaga ang kalusugan. Malamang may mag-alok ng trabaho pero dapat pag-isipang mabuti at timbangin ang kabutihang maidudulot kaysa sa kasalukuyang pinapasukan. Lucky numbers at color for the day 16, 20, 31, 42 at maroon.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Kahit alam mong tama ka, huwag makialam sa pagdedesisyon ng iba. Ang suliraning taglay ay may kalutasan. Simulan agad ang anumang binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 14, 19, 21, 39 at purple.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Handang harapin ang anuman ngayong araw dahil sa taglay na kasiglahan. Masayahin ngayong araw at halos lahat ng ka-kilala ay magugulat sa asal na ipapakita. Madaling lapitan ng kahit sino. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 12, 28 at cream.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Malamang manghiram ng pera ang isang kaibigan pero dapat itong tanggihan dahil matatagalan bago ka niya mabayaran. Huwag malito sa anumang payong maririnig at pag-aralang mabuti bago magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 24, 30 at old rose.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Malakas ang tiwala sa sarili at magiging positibo ang pag-iisip sa mga gawain. Walang suliranin sa pamilya o sa minamahal. Nasa tamang landas ng kasaganahan ang iyong kabuhayan. Lucky numbers at color for the day ay 10, 14, 35, 36 at blue.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Ang anumang uri ng paanyaya ay dapat tanggihan. Iwasan ang anumang sosyalan. Pag-aralan ang anumang kasulatan bago pirmahan. Kung may balak na maglakbay, dapat itong ipagpaliban sa ibang araw. Ang bukas na negosyo ngayon ay dapat simulan upang maging maunlad.  Lucky numbers at color for the day ay 3, 19, 20, 26 at electric blue.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Alam ng kalooban at damdamin ang sariling limitasyon kaya iwasan ang magkunwari. Pairalin ang pagkamahinahon dahil madali kang magagalit sa biro, kantiyaw o mangungulit. Dahil sa tindi ng pangangailangan, higpitan ang bigkis ng pagba-budget. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 10, 17 at white.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Trabaho at hanap-buhay ang siyang magiging prayoridad simula ngayon. Mapapansin sa mga bagay na makapagpapaunlad at makakalikom ng enerhiya sa pagsisimula ng bagong hakbang sa hanap-buhay. Magiging malakas ang kaunlaran sa relasyon. Lucky numbers at color for the day ay 16, 19, 37, 42 at strawberry red.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Hahanap ng paraan na maging abala kahit walang gaanong gawain. Paglilinis at pag-aayos ng tahanan o opisina ang siyang sagot sa hinahanap na kaabalahan. Ang pangakong hindi natupad sa nakaraan ay maisasakatuparan kung pag-uukulan ng panahon. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 18, 42 at yellow.

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

DISYEMBRE

LUCKY

MAGIGING

NUMBERS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with