Deployment ban ng mga OFWs sa Thailand, ipinatupad ng POEA
MANILA, Philippines - Nagpalabas ng deployment ban sa mga newly-hired Overseas Filipino Workers (OFWs) sa apat na lugar sa bansang Thailand ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA).
Ayon kay POEA Administrator Hans Leo Cacdac, kabilang sa mga lugar kung saan bawal muna ang pagpapadala ng mga OFWs ay ang Bangkok, Nonthaburi Province, Lad Lum Kaew District (Pathumthani ProÂvince), at ang Bang Phli District (Samutprakan Province).
Nag-ugat ang deployment ban sa pagtaas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ng crisis Alert Level 2, sa mga naturang lugar kasunod na rin ng deklarasyon ng Thai government ng 60-day state of emergency dahil sa lumalalang civil unrest sa mga naturang lugar na nabanggit.
Sa ilalim ng Crisis Alert Level 2, tanging ang processing at deployment ng returning OFWs na may existing employment contracts na ang pinapayagan at sinususpinde muna ang processing at deployment ng mga newly-hired OFWs.
Pinayuhan ni Cacdac ang mga OFWs sa Thailand na maging vigilante at iwasan ang paglabas ng tahanan kung wala namang importanteng gagawin.
Dapat ring manatiling alerto ang mga OFWs sakaling magkaroon ng kaguluhan sa kanilang kinaroroonan.
- Latest