^

Punto Mo

EDITORYAL - Iligtas ang kabataan sa illegal na droga

Pang-masa

“ANG kabataan ang pag-asa ng bayan,” sabi ni Dr. Jose Rizal na ginugunita ngayon ang 117th death anniversary. Pero sa nangyayari ngayong pagkalulong ng mga kabataan sa illegal na droga, may pag-asa pa kaya?

Mga kabataan ang target ng sindikato ng droga. Mas madali silang mahikayat. At kung totoo ang sinabi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nasa Pilipinas na ang notorious na sindikato ng illegal na droga sa Mexico, hindi na maganda ito. Ayon sa PDEA, ang nahuling 84 kilos ng shabu sa isang ranch sa Lipa City ay pag-aari ng Mexican Sinaloa drug syndicate. Kayang suhulan ng sindikato ang mga awtoridad dahil sa dami ng kanilang pondo. Sa Mexico, pinaniniwalaang mas maimpluwensiya ang sindikatong ito kaysa mga mambabatas sapagkat kaya nilang imanipula ang mga ito. Pera ang kanilang pinakikilos. Ang lider ng Sinaloa syndicate ay si Joaquin “El Chapo” Guzman.

Kung nakapasok na ang Mexican drug syndicate sa bansa, lubhang delikado na ang kinabukasan ng mga kabataan. At bago pa mamalayan ng kani-kanilang mga magulang, lulong na sa droga ang mga anak. Nasira na ang ulo dahil sa pagkahumaling sa droga. Huli na para ipagamot sapagkat pinatigas na ng shabu ang utak.

Kung tiyak na ng PDEA na talagang Mexican drug syndicate ang nasa likod ng nahuling shabu sa Lipa City, ano pa ang hinihintay nila. Habang maaga, durugin na ang mga ito. Kapag hindi nila nagawang supilin ang sindikato, sila ang kokontrolin nito. Kayang-kaya ng drug syndicate ang mga awtoridad sapagkat madaling “bilhin” ang mga ito. Pera-pera lang.

Marami nang buhay ng kabataan ang nasayang dahil sa droga. Sana, paigtingin ng PDEA ang kampanya sa sindikato ng illegal na droga para mailigtas ang mga kabataan. Para magkaroon din naman ng katotohanan ang sinabi ng bayani na ang mga kabataan ang pag-asa ng bansang ito.

 

DR. JOSE RIZAL

DROGA

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

EL CHAPO

KABATAAN

KAYANG

LIPA CITY

MEXICAN SINALOA

PERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with