Contractual ng DepEd mawawalan ng trabaho
MANILA, Philippines - Itinanggi ng militanteng grupong Courage (ConfeÂderation for the Unity, ReÂcognition and Advancement of Government Employees) ang pahayag ng Department of Education (DepEd) na walang empleyado na mawawalan ng trabaho sa ipatutupad na “rationalization programâ€.
Base sa interpretasyon umano nila ng DepEd Order 53 series of 2013, sinabi ni Courage President Ferdinand Gaite na lahat ng casual at contractual employees ng DepEd ay nagtapos sa Disyembre 15 at lahat ng apektadong mga empleyado ay magreretiro sa Enero 15, 2014 o magiÂging “co-terminus with the incumbentâ€.
Base sa karanasan ng ibang empleyado na tumangap ng “early retirement programâ€, sinabi ni Gaite na ilang taon na ang lumipas ngunit hindi pa rin natatanggap ng mga empleyado ang pangakong insentibo.
- Latest
- Trending