^

Balita Ngayon

'Pork scam' hearing sa Senado sa 2014 na uli

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa susunod na taon na muling diringgin ng Senado ang umano’y maanomalyang P10-bilyon pork barrel scam.

Sinabi ni Senate Blue Ribbon Committee Chair Senator Teofisto Guingona III na kailangan muna nilang tutukan ang paggawa ng mga batas at ang mga patakaran sa pagdinig.

"Yung Napoles hearing will be resuming next year on some hearings on policy and then most likely we will be continuing with the Napoles into the Malampaya hearing," pahayag ni Guingona.

Dagdag niya na tinatalakay pa nila sa kumite kung muling ipatatawag ang itinuturong mastermind Janet Lim-Napoles at ang asawa niya.

"We are still consulting on that," ani Guingona.

Itinuturo si Napoles at ang ilang mambabatas na kumita sa pag-abuso ng kinita ng Malampaya gas fields.

Kasalukuyang nakakulong si Napoles sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa City, Laguna dahil sa kasong serious illegal detention na inihain ng whistleblower Benhur Luy.

 

BENHUR LUY

DAGDAG

FORT STO

GUINGONA

JANET LIM-NAPOLES

MALAMPAYA

NAPOLES

ROSA CITY

SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE CHAIR SENATOR TEOFISTO GUINGONA

YUNG NAPOLES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with