^

Balita Ngayon

Ate V, GMA sa Comelec: Nagpasa kami ng tamang SOCE

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinabulaanan ng kampo nina Batangas Governor Vilma Santos at dating Pangulo na ngayo’y Pampanga Second District Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang sinabi ng Commission on Elections na hindi sila nagbigay ng tamang Statements of Contributions and Expenditures (SOCEs).

Sinabi ni Santos na nagbigay namna siya ng SOCE ilang araw matapos ang eleksyon, sang-ayon na rin sa batas.

Dagdag niya nakatanggap naman siya ng certificate of compliance mula sa Comelec noong Hunyo 6 ngunit wala naman sinabing may mali o kulang.

"We did not get any letter kung meron pong naging problema. We did not get any letter from the Comelec. Kung nalaman namin na may problema, sana nagawan namin ng correction," sabi ni Santos sa isang panayam sa telebisyon.

Aniya inaayos na ng kanyang abogado ang problema upang mawakasan na ito.

"Kung meron pagkakamali sa form or sa signature, I don't think magiging problema naman," dagdag ng batikang artista bago pumasok sa politika.

Hiniling ng Comelec sa 422 na mga nanalong kandidato sa nagdaang eleksyon 2013 na bumaba sa puwesto dahil sa maling mga detalye o hindi pagpapasa ng SOCE.

Iginiit ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na nakasaad sa batas na kinakailangang lisanin muna ng isang nanalong opisyal ang kanyang puwesto hanggang sa maibigay niya nang kumpleto ang SOCE.

Kaugnay na balita: Vilma Santos, GMA pinagbibitiw ng Comelec sa puwesto

Samantala, tulad ni Santos, sinabi ng kampo ni Arroyo na sumunod sila sa patakaran ng Comelec ng paghahain ng SOCE.

Sinabi ng tagagsalita ni Arroyo at abogadong si Raul Lambinos sa hiwalay na panayam na naghain sila ng SOCE at nakatanggap rin ng certificate of compliance kaya naman laking gulat nila ng marinig ang balita.

"We have filed the SOCE together with all the attached annexes or the finance statements and reports as required by the Comelec in pursuant to the forms that are prescribed by the Commission," banggit ni Lambino.

Bukod kina Arroyo at Santos, pinapalayas din sa kanilang mga puwesto sina Laguna Governor ER Ejercito at Muntinlupa Rep. Rodolfo Biazon.

Sa kabuuan ay may 20 kongresista, apat na gobernador, isang bise-gobernador, 12 alkalde at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan ang pinapababa sa puwesto. 

BATANGAS GOVERNOR VILMA SANTOS

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

LAGUNA GOVERNOR

MUNTINLUPA REP

PAMPANGA SECOND DISTRICT REP

RAUL LAMBINOS

RODOLFO BIAZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with