^

Balita Ngayon

Kampo ni Pacquiao itinangging may utang na $18-M sa Amerika

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mali-mali ang mga ulat na lumabas tungkol sa hindi binayarang buwis ni Manny Pacquiao sa Internal Revenue Service (IRS) ng Amerika na umabot sa higit $18 milyon, ayon sa kanyang abogado.

Kinuwestiyon ng abogado ni Pacquiao sa Amerika na si Steven Toscher ang ulat na inilabas ng entertainment website TMZ kung saan $18,313,668.79 halaga ng buwis ang hindi binayaran ng boksingero sa IRS.

Sinabi ng TMZ na nakakuha sila ng mga “official documents” kung saan nakalagay rin ang halaga ng kanyang mga utang bawat taon mula 2006 hanggang 2010.

Kaugnay na balita: Pacquiao $18-M ang utang na buwis sa Amerika - report

Sinabi ni Toscher sa kanyang panayam kay Lem Satterfield ng RingTV.com na inaayos na ng kampo ni Pacquiao ang mga kaguluhan sa buwis.

"Manny and his financial advisors are handling the situation and have no comment other than to say the disclosure of Manny's personal tax information is wrong, the recent stories contain serious errors, and Manny is committed to working with the IRS to resolve any outstanding issues,” pahayag ni Toscher.

Lumutang ang umano’y utang ni Pacquiao sa IRS sa kabila ng paghahabol sa kanya ng Bureau of Internal Revenue.

Sinisingil ang Saranggani representative ng P2.2 bilyon dahil sa hindi pagsasaad sa kanyang 2009 income tax return ng kanyang mga napanalunan sa Amerka.

Sinabi ni Pacquiao sa Filipino sports website Spin.ph na wala siyang utang sa IRS dahil sa tuwing lumalaban siya ay binabayaran ito ng kanyang promoter na si Bob Arum ng Top Rank.

 â€œBayad na ni Bob lahat ’yun. Kinakaltas ’yun. Diretso sa IRS ’yun. Sa bawa’t laro ko andun ang IRS, nakatutok sila. Inaabot ni Arum yung tax (Bob paid it all. It’s deducted, and goes straight to the IRS. Each time I fight, the IRS is there),” aniya.

Iginigiit ng eight-division champion na wala siyang utang sa IRS at BIR dahil tama ang kanyang mga binayarang buwis.

 

AMERIKA

BOB ARUM

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

INTERNAL REVENUE SERVICE

IRS

KANYANG

LEM SATTERFIELD

PACQUIAO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with