^

Police Metro

Miriam: Enrile may ‘pork’ sa 2014 budget

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - May P891-M pork barrel sa 2014 national budget na niratipikahan kamakalawa ng Senado si Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile.

Ito ang pag-aakusa ni Senator Miriam Defensor Santiago kung kaya’t sumulat ito kay Department of Budget and Ma­nagement Florencio Abad upang igiit na irekomenda kay Pangulong Benigno Aquino III na i-veto ang P890,886,000 na nakalaan para sa Cagayan Economic Zone Authority (CEZA).

Ayon kay Santiago, bagaman hindi direktang nakapangalan kay Enrile ang nasabing budget kundi sa CEZA, nais nito na matanggal pa rin sa General Appropriations Act ng 2014 dahil ang nasabing economic zone ay pinapatakbo umano ng pamilya ni Enrile at iginiit na ang CEZA ay notorious sa smuggling at illegal gambling.

Idinagdag ni Santiago na kahit pa may Special Provision sa 2014 national budget, maituturing pa ring ilegal at immoral ang pagbibigay ng budget sa CEZA dahil magiging lump sum umano ito na puwedeng gastusin sa discretion ni Enrile.

 Ayon pa kay Santiago, ang ibang economic zones sa bansa ay binibigyan lamang ng nasa P300 milyon hanggang P500 milyon na budget taun-taon pero ang CEZA ay palaging nakakatanggap ng halos P1 bilyon.

Kinuwestiyon din ni Santiago kung ano ang naitutulong ng CEZA  sa ekonomiya ng bansa para bigyan ng malaking budget.

AYON

BUDGET

CAGAYAN ECONOMIC ZONE AUTHORITY

DEPARTMENT OF BUDGET AND MA

ENRILE

FLORENCIO ABAD

GENERAL APPROPRIATIONS ACT

PANGULONG BENIGNO AQUINO

SENATE MINORITY LEADER JUAN PONCE ENRILE

SENATOR MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with