Karambola sa Marikina: 4 todas 14 sugatan...
MANILA, Philippines - Tatlong sasakyan na kinabibilangan ng dump truck, pampasaherong jeep at motorsiklo ang nagkarambola sa kalsada na ikinasawi ng 4 katao at pagkasugat ng 14 na naganap kaÂhapon ng umaga sa Brgy. Concepcion Uno, Marikina City.
Ang mga nasawi ay kinilalang sina Rogelio Marasigan, nasa hustong gulang, ng Woodpecker St., Sunridge Village, San Mateo, Rizal; Romualdo Ortiz, ng 9 Kiwi St., Sitio 6, Batasan Hills, Quezon City; Juanito Autida,
45, ng South Libis, Don Pepeng, San Mateo, Rizal at isang hindi pa nakikilalang babae.
Ang mga nasugatan na pawang pasahero ng jeep na dinala sa Amang Rodriguez Medical Center ay sina Armando de Dios, 57; Justine Mae Sanchez; Cristeli Cayona, 13; Koberto San Andres, 50; Sotero Alburo, 22; Analyn Lacson, 29; Francis Bieles, 38; Katrina Llamson, 24; Julieta Cruz, 45; Cesar Nierves Salvudangut, 43; Nino Santillan, 38; Juanito Autida, 45; Jay Masirag, pawang ng San Mateo, Rizal at Felipe Casta, 66; ng Tumana, Marikina City.
Sa ulat ng pulisya, alas-5:30 ng umaga nang maganap ang banggaan ng tatlong sasakyan sa J. P Rizal kanto ng Real Sts. ng nasabing lugar.
Sa imbestigasyon bago ang aksidente ay bumibiyahe ang dump truck (RHD-837) na minamaneho ni Bobong Dumalagan, 33, ng Block 36, Lot 48, Southville 8 Subdivision, San Isidro, Rodriguez, Rizal, patuÂngong norte sa JP Rizal St. nang mag-overtake ito sa isang pribadong van.
Na naging dahilan para mahagip ang tagiliran ng kasalubong na pampasaherong jeepney (PVK-936) na minamaneho naman ni Jay Allapitan, 32, ng Pinatubo St., MalanÂday, San Mateo, Rizal.
Sa lakas nang salpok ay tumagilid ang jeep at nabangga naman ng dump truck ang isang
konkretong poste gayundin ang motorsiklo (8677HY) na kasunod ng jeepney, at nagresulta sa pagkamatay ng rider nito at tatlong pasahero ng jeep.
Inihahanda na ang kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide at damage of property laban kay Dumalagan.
- Latest