^

Bansa

Velasco umapela kay SB

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pormal nang nanawagan ang nagwaging kinatawan ng Marinduque sa Kongreso na si Lord Allan Velasco kay House Speaker Feliciano Belmonte na hayaan na siyang makaupo sa pwesto. 

Si Velasco ay ang mahigpit na nakatunggali nuong May 2013 elections ng kasalukuyang nakaupong Marinduque Rep. Regina Reyes.

Sa isang pulong balitaan, inihayag ni Velasco ang liham na kanyang ipinadala kay Belmonte kung saan binigyang diin niya na maituturing na walang bisa o null and void ang May 18, 2013 proclamation ni Reyes dahil nagpalabas na ng desisyon ang Comelec nuong May 14, 2013 na nagkakansela ng kanyang certificate of candidacy. Nag-ugat ang disqualification case ni Reyes sa isyu ng kanyang citizenship dahil siya raw ay isang American citizen. 

Tinukoy pa ni Velasco ang concurring opinion ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na may petsang October 22, 2013 kung saan tinukoy ng punong mahistrado na sa ilalim ng batas, itinatakda ang suspensyon ng proklamasyon sa nanalong kandidato kapag mayruong nakabinbing disqualification case.

Ang panawagan ay ginawa ni Velasco matapos ibasura sa ikalawang pagkakataon ng Korte Suprema ang motion for reconsideration ni Reyes na humihiling na baligtarin ang nauna nang desisyon ng hukuman na nagsasabing disqualified siya sa pagtakbo sa nakalipas na eleksyon.

Nuong Hulyo, pina­walang bisa rin ng Comelec ang proklamasyon ni Reyes, kasabay ng pagdeklara kay Velasco bilang nagwaging kandidato sa pagka-kongresista ng Marinduque.

CHIEF JUSTICE MARIA LOURDES SERENO

COMELEC

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE

KORTE SUPREMA

LORD ALLAN VELASCO

MARINDUQUE

MARINDUQUE REP

NUONG HULYO

REYES

VELASCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with