Sa kabila ng delubyo, babangon!
Grabe ang naging paghagupit ng bagyong Yolanda sa bansa. Sa kabila ng maaga at matinding paghahanda ay hindi talaga maiiwasan na hindi nangyari ang hangad na zero casualties ng pamahalaan.
Talaga naman kasing hindi inaasahan ganitong kalupit ang bagyong ito, na itinuturing ngang isa sa worst typhoon sa kasaysayan sa buong mundo.
Sa inisyal na ulat mahigit sa 100 ang nasawi sa nagdaang bagyo, malamang na kung hindi nakapaghanda ng maaga ay baka mas malaki ang bilang ng casualties.
Ngayong nagdaan na ang delubyo na ito, mas makaÂbubuting ang makita ngayon ang pagtutulungan ng lahat.
Marami tayong mga kababayan ang nangangailangan ng ating tulong. Sa tinÂdi nang pagkawasak na dulot ni ‘Yolanda’ bagamat matatagalan pa bago makabangon ang ating mga kababayan malaking bagay na agad nilang maramdaman ang pagkalinga hindi lang pamahalaan kundi tayong lahat na kanilang mga kababayan.
Sunod sunod ang matitinding kalamidad ang dumaan sa bansa ang kailangan sa kasalukuyan ay ang pagkakaisa at pagtutulungan.
Iwaksi muna ang mga pagtatalo lalu na sa politika at unahin na muna ang pagdamay sa mga naging biktima ng bagyo.
Tulungan at respondehan po natin ang ating mga kababayan. Pinakamahalaga ang ating dalangin para sa muli nilang pagbangon.
Ganyan naman ang Pinoy na habang binabayo ng sunud-sunod na delubyo, hindi sumusuko at nagsisikap na muling makabangon.
- Latest