^

Punto Mo

‘Narating ko ang Impiyerno at Purgatoryo’

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ITO ay tunay na near-death experience ni Father Jose Maniyangat Francais-Espanol. Siya ay kasalukuyang parish priest ng St. Catherine of Sienna Catholic Church sa Orange Park, Florida. Narito ang kanyang testimonya:

Ako ay ipinanganak at nagtapos ng pagpapari sa Kerala, India. Noong April 14, 1985 ay Feast of the Divine Mercy kaya ako ay gumayak na magbiyahe patungo sa northern part ng Kerala upang magmisa sakay ng aking motorsiklo. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay binangga ako ng isang sasakyan na minamaneho ng lalaking lasing na sa bandang huli ay nalamang galing pala sa pagdiriwang ng katatapos na Hindu festival.

Kaagad akong isinugod ng mga matutulunging tao sa ospital. Habang tumatakbo ang ambulansiya, naramdaman ko na kusang humiwalay ang aking espiritu sa aking katawan. Pinanood ko kung paano pagtulung-tulungan buhatin ng mga tao ang aking katawan para ipasok sa ospital.

Maya-maya ay basta na lang lumitaw sa aking harapan ang aking guardian angel. Ang sabi ng anghel: “Dadalhin kita sa langit, gusto kang makita at makausap ng Panginoong Diyos. Sa aming paglalakbay patungo sa langit, naisip ng aghel na ipasilip sa akin kung ano ang hitsura ng Purgatoryo at Impiyerno.

Ang Pagbisita sa Impiyerno

Inakay ako ng anghel patungo sa impiyerno. Naroon si Satanas at ang kanyang mga kampon. Totoong may apoy sa impiyerno at matindi ang init na ibinubuga nito kumpara sa init ng apoy sa ating mundo. Ang mga taong naroon ay ginagapangan ng maraming uod. Ang iba naman ay tino-torture ng mga demonyo kaya ang paligid ay punong-puno ng sigaw at pagmamakaawang tigilan na  pagpapahirap sa kanila. Ang paliwanag ng anghel: Naghihirap ang mga kaluluwa dahil kahit kailan ay hindi nila pinagsisihan at inihingi ng tawad ang kanilang mga kasalanang nagawa nila sa lupa.

Ang degree ng pagpapahirap sa mga kaluluwa ay depende sa bilang ng kanilang nagawang kasalanan at depende rin sa klase ng mortal sins na ginawa nila. Kulang ang salitang pangit at nakakatakot upang ilarawan ko kung ano ang hitsura ng mga kaluluwa. May mga kaluluwa akong nakilala ngunit hindi ko na sasabihin kung sino sila. Ang kadalasang naging kasalanan nila, sabi ng anghel, ay may kinalaman sa abortion, homosexuality, euthanasia, hatefulness, unforgiveness and sacrilege. Dagdag pang paliwanag ng anghel, sana ay pinagsisihan nila ang kanilang kasalanan upang naiwasan sana nila ang impiyerno at sa halip ay sa purgatoryo na lang sila nadala. Sa purgatoryo, may pag-asang umakyat ang kaluluwa sa langit. Nagulat ako nang makita ko sa impiyerno ang kakilala kong mga pari at Bishops. (Itutuloy)

vuukle comment

ANG PAGBISITA

CATHERINE OF SIENNA CATHOLIC CHURCH

FATHER JOSE MANIYANGAT FRANCAIS-ESPANOL

FEAST OF THE DIVINE MERCY

IMPIYERNO

KERALA

NOONG APRIL

ORANGE PARK

PANGINOONG DIYOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with