Pingris, Lassiter, Cruz paparangalan ng PBAPC
MANILA, Philippines - Tatanggap sina Marc Pingris ng San Mig Coffee, Marcio Lassiter ng Petron Blaze at Jervy Cruz ng Rain or Shine ng special awards sa ‘A Banquet of Heroes’ ng PBA Press Corps na inihahandog ng Meralco bukas sa Wack Wack Golf Club sa Mandaluyong.
Makukuha na ni Ping-ris ang kanyang puwesto sa kasaysayan ng PBA bilang isa sa mga pinakamatinding defenders sa kanyang pagtanggap sa Defensive Player of the Year trophy, habang ibibigay kay Lassiter ang Bogs Adornado Trophy para sa Comeback Player of the Year ng PBAPC.
Tinalo naman ni Cruz, ang dating UAAP MVP para sa University of Santo Tomas, si Reynel Hugnatan ng Meralco para sa Mr. Quality Minutes award matapos magtala ng ave-rage na halos 9.0 points sa loob ng 18 minuto sa 52 laro ng Elasto Painters.
Ang formal affair na magsisimula sa ganap na alas-7 ng gabi sa Banquet B Hall ay magtatampok sa pagbibigay ng Coach of the Year at Executive of the Year trophies, ipina-ngalan kay legendary mentor Baby Dalupan at sa namayapang si Danny Floro, ayon sa pagkakasunod.
Mga kandidato para sa Coach of the Year sina Luigi Trillo ng Alaska, Norman Black ng Talk ‘N Text at Tim Cone ng San Mig Coffee, habang nakatakdang ibigay sa Team PBA ang Executive of the Year award.
Isasalaysay ni Manny V. Pangilinan, ang Talk ‘N Text at Meralco team owner at presidente ng Samahang Basketbol ng Pilipinas, ang pinagdaanan ng Gilas-Pilipinas para maibalik ang bansa sa world basketball stage.
Ang mga miyembro ng 1973 at 1986 Asian Basketball Confederation teams kagaya nina Samboy Lim, Tonichi Yturri, Adornado, Yoyong Martirez, Manny Paner, Jimmy Mariano at iba pa ang maggagawad ng award sa Nationals.
- Latest