Ang pagbabalik ni Donaire Umiskor ng TKO vs Darchinyan
MANILA, Philippines - Pinatunayan ni Nonito Donaire Jr. na hindi tsamba ang naunang knockout na panalo kay Vic Darchinyan noong 2007 nang ulitin niya ito sa rematch kahapon sa American Bank Center sa Corpus Christi, Texas.
Sa featherweight division ginawa ang laban na inilagay sa 10 rounds at naunang inakala ng marami na matatalo si Donaire dahil kontrolado ni Darchinyan ang mga naunang rounds.
Pero sa ninth round, natiyempuhan ni Donaire ang Armenian boxer ng kanyang ipinagmamala-king kaliwang hook. Da-lawang beses na nasapul sa panga si Darchinyan para mapaluhod ito.
Nakatayo man ay hindi na siya makaganti sa mga power shots ni Filipino Flash dahilan upang itigil na ni referee Laurence Cole ang bakbakan sa 2:06 ng round.
Noong Hulyo 7, 2007 unang nagkaharap ang da-lawa sa flyweight division at ginulat ni Donaire ang lahat nang pabagsakin si Darchinyan gamit din ang kaliwa sa ikalimang round.
Ito ang ika-32 panalo sa 34 laban at ika-21 KO para sa 30-anyos na si Donaire at bumangon siya mula sa unanimous decision na pagkatalo kay Guillermo Rigondeaux noong Abril 13 para mawala ang WBO super bantamweight title.
Sa kabilang banda, ang 37-anyos na si DarÂchinyan ay natalo sa ikaÂanim na pagkakataon maÂtapos ang 46 laban at nagbayad siya nang magÂkumpiyansa matapos paÂtamaan si Donaire ng maÂlalakas na suntok sa mga naunang rounds.
Bago bumagsak, si DarÂchinyan ay lamang pa sa dalawang hurado, 78-74, habang tabla sa 76-all ang isa sa pagtatapos ng eight round.
Aminado si Donaire na nasaktan din siya ng katunggali pero tiniis niya ito dahil ayaw niyang matalo sa laban.
“When he hit me in my cheek, I though he broke my cheek. Part of my mind was saying, ‘Is this it for me? I’m losing the fight, should I keep going?’ But I put my heart into it and said I’ll never, never quit,†wika ni Donaire.
Hanap ni Donaire na makalaban uli si Rigondeaux pero sa ngayon ay magpapahinga muna siya at ipapasuri ang tinamaang pisngi. “I have a lot of work still to do but first I need to get the cheek xrayed for fracture and rest,†ani Donaire.
- Latest