^

Para Malibang

Benepisyo ng kelp

Ms Jewel - Pang-masa

Dahil maraming gulay sa ating kapaligiran, hindi mo na tuloy napapansin ang mga gulay na nasa ibang lugar gaya ng mga halamang mula sa dagat gaya ng kelp o malalaking sea weeds.  Ang halamang ito ay mayaman sa amino acid, alginates at polyunsaturated fats, bitamina, posporus at magnesium. Ang halamang ito ay kilala rin bilang gamot o nakakatulong para maiwasan ang pagkakaroon ng bosyo o paglaki ng iyong thyroid dahil sa mayaman din ito sa iodine. Tumutulong ang iodine para gumana ng maayos ang ating thyroid at hindi ito lumaki.

Pinagagana rin nito ng normal ang pituitary glands ng katawan. Hindi lang sakit ang ka­yang maiwasan kung palaging kakain ng kelp. Maging ang iyong mga kuko at buhok kung ito ay hindi matibay ay makakatulong ang sea weeds na ito.

May benepisyo rin sa iyong pancreas at prostate ang kelp dahil tinutulungan nito ang katawan na magkaroon ng maayos na cell membrane at body temperature.

Maging sa mga buntis ay malaki ang bentahe ng sea weeds dahil tumutulong itong linisin ang iyong katawan mula sa mga radiation na nasasagap mo sa iyong kapaligiran na posibleng magkaroon ng hindi magandang epekto sa sanggol sa iyong sinapupunan.

Nagsisilbi rin antibiotic ang kelp sa iyong katawan. Dahil kapag pinasok ng impeksiyon o bacteria ang iyong katawan, tutulungan ng kelp ang iyong thyroid na magpalabas ng iodine sa iyong blood stream at ito ang papatay sa bacteria na gustong gumupo sa iyong katawan.

Kung nakakaranas naman ng pamamaos, mahusay din gawin tea ang kelp para maibsan ang iyong sore throat o ang strep bacteria.

DAHIL

IYONG

KATAWAN

KELP

NAGSISILBI

PINAGAGANA

TUMUTULONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with