^

PSN Palaro

Liderato nakataya sa banggaan ng Cagayan, Zambales

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maagang paglalaba­nan ng Cagayan Valley at Zambales M-Builders ang liderato sa PBA D-Lea­gue Aspirant’s Cup sa pagtutuos ng dalawang nanalong koponan ngayon sa Arellano Gym.

Buo ang puwersa ng Rising Suns upang mapa­boran sa hangaring sundan ang naitalang 83-74 tagumpay sa Café France sa pagbubukas ng liga noong Huwebes.

Ang rookie na si Don Trollano ang nagpasikat sa unang panalo ng Cagayan sa kanyang 22 puntos at 11 rebounds pero sa larong ito ay may makakatuwang na siya sa pagsama na ng mga NCAA players na sina John Pinto, Prince Caperal, Michael Mabulac at Kenneth Ighalo.

“Sinuwerte lang kami sa first game. Sa larong ito ay nakikita ko na mas maganda ang ipakikita namin dahil kumpleto ang team,” wika ni Rising Suns mentor Alvin Pua.

Hindi naman padadaig ng ganun-ganon lamang ang M-Builders na tinalo ang gaya nilang baguhan na Derulo Accelero, 79-73.

Ang laro ay itinakda dakong alas-4 ng hapon at bago ito ay tatlo pang koponan ang magbubukas ng kanilang kampanya sa liga.

Ipakikita ni two-time UAAP MVP Bobby Ray Parks Jr. ang kalidad sa commercial league sa pagdadala sa Banco de Oro laban sa Jumbo Plastic sa alas-12 ng tanghali bago sundan ng tagisan ng Boracay Rum at Derulo Accelero sa alas-2 ng hapon.

 

ALVIN PUA

ARELLANO GYM

BOBBY RAY PARKS JR.

BORACAY RUM

CAGAYAN VALLEY

DERULO ACCELERO

DON TROLLANO

JOHN PINTO

RISING SUNS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with