^

PSN Palaro

Slaughter inilabas agad ang tikas sa biometrics measurement

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa taas niyang 6-foot-11 5/8, hindi na nakakagulat kung manguna si Greg Slaughter sa idinaos na biometrics measurement para sa mga draft applicants kahapon sa Hoops Center sa Mandaluyong.

Hindi lamang siya ang pinakamataas na player sa draft, si Slaughter din ang may pinakamahabang wingspan sa hanay ng 85 aspirante sa sukat na 85 inches.

Ang dating miyembro rin ng Ateneo Blue Eagles at Gilas Pilipinas ay may pinakamataas na vertical reach sa sinukat na 11 feet at six inches sa dalawang beses niyang pagtatangka.

Siya rin ang nagbuhat ng pinakamabigat na 100-pound bench presses sa 40 beses na pagbuhat.

Si Slaughter ang inaasahang hihirangin ng Barangay Ginebra bilang No. 1 overall pick sa 2013 PBA Roo­kie Draft na nakatakda sa Nobyembre 3 sa Robinson’s Place Manila sa Ermita.

Ang Filipino-American at dating Gilas trainee na si Justin Melton ay nagtala ng pinakamaraming pushups sa bilang na 104, habang si dating Far Eastern University shooter Paul Sanga ang nagposte ng pinakamara­ming sit-ups sa bilang na 533 beses.

Si University of the Phi­lippines guard Mark Lopez ang nagposte ng pinakamaraming pull-ups sa bilang na 53, samantalang apat lamang ang nagawa ni 2013 UAAP MVP Terrence Romeo.

Si Larry Rivera ang pinakamaliit na player na nasa draft sa sukat niyang 5’5 1/8 at may pinakamababang vertical leap sa 9’7 at 9’8 inches.

Si 6’7 Fil-Hawaiian hope­ful Michael Usita naman ang pinakamabigat na player sa timbang niyang 301 pounds.

ANG FILIPINO-AMERICAN

ATENEO BLUE EAGLES

BARANGAY GINEBRA

FAR EASTERN UNIVERSITY

GILAS PILIPINAS

GREG SLAUGHTER

HOOPS CENTER

JUSTIN MELTON

MARK LOPEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with