^

Pang Movies

Dennis kasama si ‘Jennylyn’ sa pagsu-surfing sa Quezon!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Asking ang fans ni Dennis Trillo kung girlfriend nito ang sexy girl na nasa litrato na naka-post sa kanyang Instagram account.  

Matalas ang mata ng fans dahil napansin nila ang girl na two-piece bikini ang suot kesehodang long shot ang kuha sa picture.

Seksi at maganda ang babae kaya pinagdudahan na ka-date siya ni Dennis. Hindi siya kamukha ni Jennylyn Mercado pero may hotel staff na Jennylyn ang pangalan na kinunan naman ni Dennis ng picture

Nagbabakasyon si Dennis sa isang resort sa Baler, Aurora  na popular sa surfing, ang sport na kinahihiligan niya ngayon.

Pinabulaanan na ni Dennis ang tsismis na  nag-date sila ni Jennylyn Mercado at  ito raw ang dahilan kaya nakipaghiwalay si Luis Manzano.

Pero may mga nagsasabi na totoo ang balita at magugulat ang mga sangkot sa isyu kapag nalaman nila ang katauhan ng source.

Paolo kamukhang-kamukha ni Megan

Na-master na talaga ni Paolo Ballesteros ang pagiging copyc­at ng beautiful women. Shocking ang itsura kahapon ni Paolo sa Miss Top of the World “beauty contest” ng Eat Bulaga dahil kamukhang-kamukha niya si Megan Young.

Si Paolo ang nag-represent sa Pilipinas sa kiyeme-kiyemeng beauty pageant ng Eat Bulaga at naloka ang televiewers dahil kopyang-kopya niya ang face ni Megan.

Advantage ni Paolo ang pagiging guwapo dahil hindi nahihirapan ang kanyang make-up artist na gayahin ang mukha ng sikat na female celebrities.

Amazed na amazed kahapon kay Paolo ang mga nanood ng Eat Bulaga dahil pati ang hikaw at hairdo ni Megan, ginaya niya.

Mo pinagtawanan na namatay siya sa aksidente

Alive na alive si Mo Twister na pinagtawanan lang ang ba­lita na nagkaroon siya ng aksidente at hubo’t hubad nang matag­puan.

Nanonood ng concert ni Kanye West si Mo nang makita nito ang kopya ng newspaper. Tinawanan lang ni Mo ang balita dahil buhay na buhay siya. Sa dami ng mga kontrobersya na sinawsawan ni Mo, hindi na siya basta naapektuhan  pero pinapatulan at sinasagot niya ang mga isyu.

Pagkapanalong best actress ni Eugene sa Tokyo filmfest magandang promo sa complicated

Congrats kay Eugene Domingo dahil nag-win siya ng best actress award sa Tokyo International Film Festival.

Personal na tinanggap ni Eugene ang kanyang ac­ting award. Ang biyahe niya sa Tokyo ang dahilan kaya hindi siya nakadalo sa presscon ng Status: It’s Complicated.

Bida si Eugene sa bagong pelikula ng Regal Entertainment Inc. na sho­wing sa mga sinehan sa November 6.

Magandang promo at publicity para sa Status: It’s Complicated ang international best actress award ni Eugene.

Nanalo ng acting award si Eugene dahil sa performance niya sa Barber’s Tales. Bongga ang reviews ng film cri­tics sa pelikula ng direktor na si Jun Lana.

Nasaksihan ni Jun at ng kanyang asa­wa na si Perci Intalan ang tagumpay ni Eugene  dahil dumalo rin sila sa Tokyo International Film Festival.

Ikinasal sina Jun at Perci sa New York noong October 14. Mula sa New York, dumiretso sila sa Japan para sa TIFF.

Ervic nag-sorry sa mga bading

Nagpainterbyu si Ervic Vijandre sa Startalk tungkol sa pagka-imbyerna niya kay Mo Twister dahil sa mga batikos nito sa kanyang rumored dyowa na si Ariella Arida.

Nag-sorry din si Ervic sa mga baklita na na-offend dahil ikinumpara niya si Mo at ang ginawa nito sa mga bading.

vuukle comment

DAHIL

EAT BULAGA

JENNYLYN MERCADO

MEGAN

MO TWISTER

NEW YORK

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with