^

Bansa

DepEd nabahala sa epekto ng relasyon ni Ka Freddie sa mga babaeng estudyante

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nabahala ang Department of Education (DepEd) sa anumang masamang epekto na idudulot ng kontro­bersyal na pakikipagrelasyon ng singer na si Freddie Aguilar sa isang 16-anyos na babae sa iba pang menor-de-edad na babaeng estudyante sa bansa.

Sinabi ni DepEd Undersecretary Tonisito Umali na maaaring may epekto sa emosyonal na kalagayan ng mga kabataang babae ang kontrobersya lalo na ang mga nakararanas ngayon ng tinatawag na “first love” sa mas nakakatandang lalaki.

May posibilidad umano na gayahin o ipagtanggol rin ng ibang kabataang babae ang maagang pag-iibigan kahit na sa napakamurang edad lalo na’t nakakatanggap ng matinding “media mileage” ang kontrobersya.

Plano ng DepEd na kausapin ang dalagitang karelas­yon ni Aguilar at ang pamilya nito para mabigyan ito ng “scholarship” at maipagpatuloy ang pag-aaral.

Sinabi naman ni Aguilar na handa niyang harapin ang kasong “qualified seduction” na isinampa sa Quezon City Regional Trial Court ng abogadong si Fernando Perito. Giit ni Aguilar wala siyang sini-seduce at hindi na kukuha ng abogado dahil kaya niyang ipagtanggol ang sarili.

Hindi na rin umano niya pinapansin ang mga batikos sa kanya lalo na sa mga social networking sites dahil sa pakikipagrelasyon sa batambatang babae. Hindi na umano ito bago dahil nangyayari rin ito maging sa mga dayuhang celebrities.

vuukle comment

AGUILAR

DEPARTMENT OF EDUCATION

FERNANDO PERITO

FREDDIE AGUILAR

GIIT

NABAHALA

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

SINABI

UNDERSECRETARY TONISITO UMALI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with