Meryll todo-kayod kahit nagbabakasyon para kumita, amang si Willie Revillame hindi naglalabas ng pera
Bakasyon pala ni Meryll Soriano from her stuÂdies in London, England kaya natanggap niya ang offer ni director Brillante Mendoza, to star sa first horror-suspense-thriller film nitong Sapi. Showing pa lamang sa November 6 ang movie kaya hindi pa napapanood ni Meryll ang kabuuan nito. Mabuti hindi siya matatakutin?
“Takot po ako, pero hindi ko ini-entertain ang takot, lalo na kapag sinabi nilang may nakikita sila sa shooting,†kuwento ni Meryll sa presscon. “Hindi pa ako nasasapian pero marami akong nababalitaan at naniniwala ako. Siguro, mataas ang aking imagination. Wala kaÂming script, Direk Brillante is a very good director, we just follow what he told us as his vision. Kaya excited na akong mapanood ito dahil talaga raw nakakatakot.â€
Biniro si Meryll dahil ang husay ng kanyang BriÂtish accent kapag nagsasaÂlita siya ng English. Siguro raw nasanay na rin siya dahil two years na siyang nag-aaral sa London ng Product Design (Industrial Design), saka maganda we speak American English kaya hindi siya nahirapang mag-adjust.
Umuwi ba siya para siya na ang mag-handle ng business ng amang si Willie Revillame?
“Hindi po, usapan namin ni Papa, tatanggapin ko ang offer niya kapag nakatapos na ako ng stuÂdies ko, pero gusto niya ngayon pa lamang ako na ang mamahala sa business niya, hindi ko tinanggap kasi gusto ko munang maka-graduate ng sinimulan ko. Matagal ko itong pinag-ipunan at gusto kong matupad ang dream ko sa sarili kong sikap.â€
Wala palang tulong sa kanya ang ama sa kanyang pag-aaral. Kaya ngayon nga, bago siya bumalik sa London, bukod sa Sapi may dalawa pa siyang moÂvies na gagawin sa Cinema One. Two years pa raw siyang mag-aaral sa London bago siya muling bumalik sa bansa.
Nami-miss niya ang 6-year-old son niyang si Elijah kay Bernard Palanca na madalas daw namang binibisita ang anak. Inamin niyang may Italian boyfriend siya na kaÂklase niya sa London.
Sagip Bohol, marami na ang tumulong
Mamaya na ang Sagip Bohol fund-raising concert para sa biktima ng 7.2 magnitude earthquake sa pangunguna nina Cesar Montano at Noel CabaÂngon. Gaganapin ito sa Teatrino. Greenhills from 8:00pm to 12 midnight, na donasyon din ng may-ari nitong si Precy Florentino. Mahigit nang 30 celebrities ang nagpakita ng support, ilan dito sina Dingdong Dantes, Rocco Nacino, Aiza Seguerra, Dulce, Diego Loyzaga, at marami pang iba with Maestro Nonong Buencamino as musical director.
Iyong ibang hindi personal na makakadalo, like Boy Abunda, nag-pledge na ng kanyang donations, ganundin sina Mr. & Mrs. Bobby Laurel at Mr. & Mrs. Butch Jimenez. Nanawagan pa rin si Cesar ng donations for food and water for Boholaños.
- Latest