^

PSN Palaro

UE namumuro sa general championship sa Jr.

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mga panalo sa taekwondo, table tennis at girls swimming ang nagtulak sa UE para hawakan ang unang puwesto sa karera para sa 76th UAAP juniors division.

Ang Junior Warriors ay kumulekta nang 67 puntos para agawin ang unang puwesto sa nagdedepensang kampeon na UST at Ateneo na parehong may 56 puntos.

Hindi pa nananalo ng titulo ang Tiger Cubs pero pa­nga­lawa sila sa girls swimming at pumangatlo sa boys swimming, table tennis, taekwondo at judo.

Sa kabilang banda, ang Blue Eagles ay nagdomina sa boys swimming at judo at pumangalawa sa basketball.

Ang La Salle-Zobel ang nasa ikaapat na puwesto pero kapos lamang ng dalawang puntos sa UST at Ateneo sa 54 habang ang National University (27), FEU-Diliman (22), UPIS (18) at  Adamson (7) ang kumumpleto sa pagtatapos ng walong paaralan.

ADAMSON

ANG JUNIOR WARRIORS

ANG LA SALLE-ZOBEL

ATENEO

BLUE EAGLES

DILIMAN

NATIONAL UNIVERSITY

TIGER CUBS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with