^

PSN Palaro

Semis kinumpleto ng Stags

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinapos na ng San Sebastian ang labanan para sa 89th NCAA men’s basketball Final Four nang kunin ang 69-62 panalo sa host St. Benilde kagabi sa The Arena sa San Juan City.

May 17 puntos si Jaymar Perez habang tig-10 ang ibinigay nina Leo de Vera, Jamil Ortuoste at Ranimark Tano at tinapos ng Stags ang kampanya sa double round elimination bitbit ang 11-7 baraha.

Ang panalo ang nagpatalsik sa Emilio Aguinaldo College na naghahangad na matalo ang Stags at maipanalo naman ang hu­ling laro laban sa Mapua sa Sabado para makahirit ng playoff.

Gumawa ng tres si De Vera bago naghatid ng apat pang puntos si Ortuoste para ilayo sa sampu ang bataan ni coach Topex Ro­binson matapos huling manakot ang Blazers sa 56-53.

Ito ang ika-13 pagkatalo sa 18 laro ng Blazers na hindi  napanatili  ang malakas na paglalaro sa third period na kung saan nalamangan lamang sila ng Baste ng isang puntos.

Si Mark Romero ay mayroong 23 puntos para sa Blazers.

Ang panalong ito ng Stags ang nagresulta para magkatabla sila ng Perpetual Help sa 11-7 baraha. Dahil dito, maghaharap uli ang dalawang koponan sa isang playoff sa Oktubre 29 para madetermina kung sino ang ookupa sa ikatlo  at apat na puwesto sa standings.

vuukle comment

DE VERA

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

FINAL FOUR

JAMIL ORTUOSTE

JAYMAR PEREZ

PERPETUAL HELP

RANIMARK TANO

SAN JUAN CITY

SAN SEBASTIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with