Usap-usapang trade naging totohanan
MANILA, Philippines -Ang unang usap-usapang trade ay naging totohanan na kahapon.
Ito ay matapos aprubahan ni PBA Commissioner Chito Salud ang pagdadala ng Barangay Ginebra kay Kerby Raymundo sa Meralco kapalit ni Jay-R Reyes para sa isang one-on-one deal.
Muling makakasama ni Raymundo sa kampo ng Bolts ang kanyang dating head coach sa Purefoods, ngayon ay San Mig Coffee, na si Ryan Gregorio.
Nagtuwang sina Raymundo at Gregorio, bukod pa kay two-time PBA Most Valuable Player James Yap, sa paggiya sa Purefoods sa tatlong PBA championships noong 2002, 2006 at 2010.
Hindi nakabuo ng PBA season ang 6-foot-5 na si Raymundo sa Gin Kings dahil sa kanyang mga na-tamong injuries.
Nauna nang nasangkot ang Meralco sa trade nang kunin sina Gary David (Globalport), 6’7 Rabeh Al-Hussaini (Talk ‘N Text), Mike Cortez at Bitoy Omolon (Air21).
Pinakawalan naman ng Bolts sina Mac Cardona, Chris Ross at Nonoy Baclao.
Si Cardona ay napunta sa Express, habang dinaÂla naman sina Ross at BacÂlao sa Batang Pier at Tropang Texters, ayon sa pagkakasunod.
Si Reyes naman ang inaasahang magpapatibay sa frontline ng Ginebra na maaaring makasama siÂnuman kina draft prospects seven-footer Greg Slaughter at 6’7 Ian SangaÂÂlang.
Ang Gin Kings ang magÂhihirang sa top overall pick sa darating na 2013 PBA Rookie Draft sa Nobyembre 3 sa Robinsons Place sa Ermita, Manila.
Sa kanyang rookie year noong 2006 para sa Rain or Shine, nagposte si Reyes ng mga averages na 12.40 points, 7.35 rebounds at 1.4 assists sa una niyang tatlong seasons.
Naniniwala si Gregorio na sa tulong ni Raymundo ay makakapasok ang Meralco sa kanilang kauna-unahang PBA Finals.
“He knows how to win,†sabi ni Gregorio sa dating kamador ng Letran Knights sa NCAA. “We’ve won championships together and it is a proven poÂsitive chemistry.â€
Sumigla ang career ng 32-anyos na si Raymundo, pumasok sa professional league sa edad na 19-anyos at hinugot ng Red Bull, sa Ginebra sa nakaraang 2013 PBA Commissioner’s Cup sa ilaÂlim ni coach Alfrancis Chua.
Ang tubong Orion, Bataan ay ang two-time Mythical First Team member at Finals MVP noong 2002 Governors’ Cup para sa Purefoods.
Posibleng gamitin ni Gregorio ang 12-year veteran bilang mentor ni 6’8 Rabeh Al-Hussaini na kanilang nakuha buhat sa Talk ‘N Text sa isang three-team trade.
- Latest