Lyceum dinurog ang Perpetual
MANILA, Philippines - Dinagukan ng Lyceum ang kampanya ng Perpetual Help nang kunin ang ‘di inaasahang 84-61 pananaig sa 89th NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Mainit sa kabuuan ng labanan ang Pirates na isinama ang Altas sa hanay ng San Beda, Letran at San Sebastian na mga bigating koponan sa liga na kanilang pinadapa.
Ito lamang ang ikaliÂmang panalo sa 15 laro ng tropa ni coach Bonnie Tan para manatiling buhay pa ang katiting na tsansang makahirit ng playoff sa semis.
Pero hindi na ang puwesto sa susunod na yugto kundi ang magkaroon ng malakas na pagtatapos at makuha ang respeto ng ibang koponan sa liga ay siyang layunin na ng koponan.
Hindi naman sila nabigo sa laro laban sa Altas na agad nilang iniwan, 12-0, at sa halftime ay ibinaon ng 30 puntos pagkakalubog, 53-23.
Si Mark Francisco ay naghatid ng 18 puntos sa 4-of-7 shooting sa 3-point line. Siya ay mayroong 15 puntos sa first half at ang Altas ay may pitong tres at ito ay kapos lamang sa walong katiting na field goal na naipasok ng Perpetual sa unang 20 minuto ng bakÂbakan.
Ito naman ang unang back-to-back na pagkatalo ng tropa ni coach Aric Del Rosario para malaglag sa 11-5 baraha.
Samantala, umahon ang San Beda mula sa 16-puntos deficit at itakas ang 72-68 panalo laban sa San Sebastian College sa ikalawang laro.
- Latest