Tuesday binira ang mga nagpapa-sexy na komedyante pero bopol sa aktingan
Masuwerte ang komedyanteng si Tuesday Vargas dahil noong kina-cast ang CineFilipino comedy entry na Ang Turkey Man ay Pabo Rin, siya agad ang naisip ilagay sa lead role nilang si Cookie ng director na si Randolph Longjas.
Ang kuwento kasi ng indie film ay tungkol sa isang biyuda na nakilala ang isang American sa pama-magitan ng isang matchmaking website. Nagulat pa si Tuesday dahil malayo raw sa tunay niyang pagkatao ang ibinigay sa kanyang role na Cookie.
“Kasi ‘yung character parang soshonga-shonga ‘tapos medyo naive. Eh hindi naman ako ganun.
“By reading through the entire script nakita ko ‘yung gustong mangyari ni Direk Randolph na bigyan ng katawan ‘yung mga stereotype like Cookie na nakikita natin.
“Through this film, gusto nilang matanggal ang mga stigma na naka-attach sa mga character like her. Hindi naman siya bobo. Hindi rin naman matalino. Pero mapagmahal sa magulang, maasikaso sa anak. Kuntento na siya sa buhay at hindi mapaghangad sa wala,†sabi pa ni Tuesday.
Ang gaganap bilang American lover niya ay si Travic Kraft at kasama rin sa cast sina Julia Clarete, Cai Cortez, Rolando Inocencio, Madeleine Nicolas, Micko Laurente, at JM de Guzman.
May mga nagsabi kay Tuesday na baka ang indie film na ito ang magbukas ng pintuan sa kanya para mabigyan din siya ng malaking break tulad sa nangyari kay Eugene Domingo.
“More than being given more lead roles, I really hope that this film will provide an avenue for projects with similar intent.
“Maraming komedyana na nagpapaganda, nagpapayat, nagpapa-sexy, pero bihira ‘yung thinking actor na maraming kayang i-offer sa table. Hindi lang one-dimensional.
“Gusto kong maka-relate ‘yung tao sa ganun, sa mga character who aspire to be greater than themselves kahit nilalagay sila ng society sa isang kahon, sa isang bilog,†diin niya.
Kasama rin ang comedienne-singer sa gag show na Tropa Mo Ko Unli at kasama niya sina Ogie Alcasid, Gelli de Belen, Wendell Ramos, at ang ibang TV5 talents.
Ang Turkey Man ay Pabo Rin ay palabas sa mga sinehan ng Resorts World, Lucky Chinatown, at Gateway Cineplex.
Lian nakaka-relate sa pinagdadaanan ni Wally, kelangang magtrabaho para sa mga anak
Isa sa mga close sa comedian na si Wally Bayola ay ang dating EB Babes na si Lian Paz.
Nagulat ito sa kontrobersiya na kinasangkutan ni Wally na naging sanhi ng kanyang indefinite leave mula sa Eat Bulaga.
Say ni Lian na nalulungkot siya sa nangyari kay Wally. Alam niya kung paano ito magtrabaho para sa kanyang pamilya, lalo na sa isang anak nito na may sakit pa naman.
“Nalulungkot talaga ako kasi napakasipag ni Kuya Wally. Kahit na naglalagare ng shows ‘yan, gagawin niya kasi kailangan niyang kumita para sa pamilya niya.
“Ngayon, balita ko wala siyang work. Pati sa mga comedy bar ay hindi pa siya puwedeng magpakita.
“Sana naman mabigyan na siya ulit ng trabaho. Dasal ko na lumipas na agad ang kinasangkutan niyang gulo para balik siya sa trabaho. Nakaka-miss kasi siyang panoorin sa Eat Bulaga at sa Celebrity Bluff,†sabi ng former dancer.
Si Lian ay balik sa pagiging busy via Prinsesa ng Buhay Ko. Gaganap siyang kapatid ng bidang si Kris Bernal.
“Medyo bad girl ako rito. First time ko kasing lumabas na kontrabida kaya tinanggap ko. Kailangan din nating magtrabaho dahil lumalaki ang mga bata. Habang lumalaki sila ay lumalaki rin ang gastos.
“Kaya wala akong choice kundi mag-work para sa kinabukasan ng mga bata,†sabi ni Lian.
Nag-uusap na raw sila ulit ni Paolo Contis pero ang tungkol sa mga anak nila ang kanilang madalas na pag-usapan.
“Hindi naman siya nagpapabaya. Pero kailangan ko ring magtrabaho para mas makadagdag sa mga pambayad na gastusin araw-araw,†dagdag pa niya.
May nanliligaw nga ngayon kay Lian na isang businessman from Cebu. Kaya imposible na raw ang magkaroon sila ng reconciliation ni Paolo dahil nag-move on na siya.
BeyoncÉ at Jay-Z No. 1 na kumikitang mag-asawa, $95 M sa isang taon lang
Nanguna sa listahan ng highest-earning star pairs ang mag-asawang Beyoncé at Jay-Z dahil sa combined earnings na $95 million between June 2012 and June 2013. Tinawag silang “the savviest business people in entertainment†dahil sa kanilang mga kinikita sa mga music and concert tour.
Kumikita si Jay-Z ng $1.4 million per night sa kanyang American tour samantalang si Beyoncé ay $2 million naman per night ng kanyang Mrs. Carter Show World Tour.
Bukod doon ay kumikita rin ang mag-asawa sa kanilang mga negosyo at endorsement.
Tinalo na nila ang couple na sina Tom Brady and supermodel Gisele Bundchen na nasa No. 2 spot with $80 million combined earnings.
Nasa third spot naman sina Brad Pitt and Angelina Jolie with combined earnings of $50 million; fourth place sina Ashton Kutcher at Mila Kunis with $35 million; at No. 5 sina Kim Kardashian at Kanye West with $30 M.
- Latest