^

Pang Movies

Faye kabisote malungkot ang pasko

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nalulungkot si Gwen Zamora dahil for the first time in three years ay wala siyang pelikula sa Metro Manila Film Festival.

Si Gwen ang gumaganap na si Faye Kabisote sa mga pelikulang Enteng Kabisote ni Vic Sotto.

Una siyang pumareha kay Bossing Vic sa Si Agimat at si Enteng Kabisote noong 2010. Sumunod ang Enteng ng Ina Mo noong 2011. At noong nakaraang taon naman ay sa Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako.

 â€œMami-miss ko lang playing Faye Kabisote at ‘yung nagwe-wave kami kapag may parade,” sey ni Gwen.

Kaya this Christmas ay baka lumipad ng Europe si Gwen dahil kinuha siyang celebrity endorser ng KLM Airlines.

Baka raw sa bansang Amsterdam siya mag-Pasko kasama ang kanyang parents. Hindi raw makakasama sa trip niyang ito ang kanyang boyfriend na si Raymund Romualdez.

 â€œIt’s a family trip kasi. I think this is the first time na magkakasama kaming buong family on a Christmas vacation.”

Sa Friday na ang huling episode ng Binoy Henyo sa GMA 7. Feeling relieved na si Gwen dahil na-survive niya ang nine weeks ng show kung saan gumanap siyang kontrabida ni Sheena Halili.

Pelikula tungkol sa batang maagang nabuntis pasok din sa iba’t ibang filmfest

Napanalunan ng Kapuso child actress na si Barbara Miguel ang Best Actress award mula sa Harlem International Film Festival para sa kanyang pagganap sa indie film na Nuwebe.

 Ginanap ang naturang film festival sa New York City mula September 11 hanggang 15.

Naging isa sa entries ng New Breed Category ng 9th Cinemalaya Independent Film Festival ang Nuwebe na dinirek ni Joseph Israel Laban. Kasama rin sa pelikula ay sila Nadine Samonte, Anita Linda, at Jake Cuenca.

Imbitado rin ang Nuwebe sa Montreal and Vancouver International Film Festivals in Canada at sa Goteberg International Film Festival in Sweden.

Ito ang second acting award ni Barbara since pumasok ito sa showbiz noong 2011. Napanalunan niya ang best child actress award sa 61st FAMAS Awards para sa kanyang performance sa indie film na Migrante.

Ang Harlem International Film Festival or “Hi” ay nabuo para parangalan ang mga films na “honest and thought-provoking portrayals of our world”.

Ayon pa sa website ng naturang festival (www.harleminternationalfilmfestival.org ): “Hi actively seeks and exhibits fresh and dynamic works that possess a universal appeal.

“Hi is committed to exemplifying the eminence that Harlem represents and is dedicated to bringing attention to the best filmmakers from around the world.

“The Hi experience integrates the best that Harlem has to offer – great restaurants, unique boutiques, world-class music venues, prestigious universities and cultural institutions, and a long history of excellence in the Arts.

“The Festival showcases features, documentaries, shorts, youth projects and animated works. Other events include panel discussions, nightlife, the Brownstone Awards and the Renaissance Awards gala.

“In addition to showcasing some of the finest films from around the world, the Festival also features the Harlem Spotlight, which highlights films produced or directed by Harlem residents, films shot in Harlem, or films about Harlem and her history.”

Kabilang nga sa Board of Advisors ng Hi ay sina Oscar winner Susan Sarandon, Oscar nominated director Mira Nair, Obie winning playwright Eve Ensler and Emmy-winning actor Keith David.

Ang pelikulang Clutter na bida sila Natasha Lyone, Carol Kane at Joshua Leonard ang nanalong Best Film ng Hi for 2013.

Ang Best Actor naman ay napanalunan ni Mike Wiley for DAR HE: The Lynching of Emmett Till.

Best director is Eric Haywood of Four of Hearts.

 

ENTENG KABISOTE

FAYE KABISOTE

FESTIVAL

FILM

GWEN

HARLEM

NUWEBE

SI AGIMAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with