^

PSN Palaro

Eagles ‘di bibitaw sa No. 4 sa pagbangga sa Bulldogs: Ateneo paiimbestigahan din ang ibang suspended players na nasa venue

ATan - Pilipino Star Ngayon

STANDINGS W   L

xNU                9    4

xFEU              9    4

xLa Salle                   9     4

UST                7     5

Ateneo                       7     5

xxUE              5     7

xxAdamson   4     9

xxUP              0    12

x-semifinalist

xx -sibak na

Laro Ngayon

(MOA Arena, Pasay City)

2 p.m.  UP vs FEU

4 p.m.  NU vs Ateneo

 

MANILA, Philippines -  Magugulo ang puwestu­han ng mga koponang nasa itaas sa UAAP kung tunay na bawal na makita ang isang suspended individual sa venue na ginagamit ng liga.

Matapos dumulog ang UE sa UAAP Board upang siyasatin ang presensya ni Ateneo coach Bo Perasol sa laro ng Warriors at Eagles noong Linggo ang pamunuan ng nagdedepensang kampeon naman ang humingi sa pamunuan ng liga na sipatin din ang mga insidenteng katulad sa nangyari sa kanilang coach.

Partikular na tinuran sa liham ni Ateneo board re­presentative Ricky Palou kay UAAP president Fr. Ma­ximino Rendon ng Adamson si Warriors cager Ralf Olivares na nakaupo sa likod ng bench ng UE gayong sinisilbihan niya ang one-game suspension na naipataw sa kanya noong Linggo.

Bukod kay Olivares, ti­nuran din ng liham ang iba pang UE players na sina Charles Mammie at Lord Casajeros na nanonood ng mga laro ng kanilang koponan sa panahong sinisilbihan ang suspension.

Isinama rin sa liham sina FEU guard RR Garcia at La Salle guard Thomas Torres na sinusuportahan ang kanilang team, habang nakaupo sa bench dahil pinagbawalan sila maglaro bunga ng mga unsportsmanlike fouls.

Si Perasol ay nanood ng laro sa dugout ng Ateneo na umukit ng 77-72 panalo para mapatalsik sa kompetisyon ang UE.

Isang pagpupulong ang inaasahang gagawin ng pamunuan para aksyunan ang bagay na ito.

Samantala, magpapatuloy ang aksyon sa liga sa Mall of Asia Arena ngayon at kakapit pa sa ikaapat na puwesto ang Eagles sa pagharap sa mabigat na National University na mapapanood matapos ang labanan ng FEU at UP sa alas-2 ng hapon.

Ang  Bulldogs at Tamaraws ay kasalo ng pahi­ngang La Salle sa unang puwesto sa taglay na 9-4 baraha at sakaling manalo ang tropa nina coaches Eric Altamirano at Nash Racela, titibay ang paghahangad nila sa mahalagang twice-to-beat advantage sa papasok sa semifinals.

ADAMSON

ATENEO

BO PERASOL

CHARLES MAMMIE

ERIC ALTAMIRANO

LA SALLE

LARO NGAYON

LINGGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with