DILG at PNP natutulog sa pansitan - Tiangco
MANILA, Philippines - Kinuwestiyon kahapon ni United Nationalist Alliance (UNA) secretary general Toby Tiangco ang kakayahan ng Department of Interior and Local Government na masawata ang mga terorismo sa bansa sa kabilang napakalaking intelligence fund ng DILG. Ginawa ni Tiangco ang pahayag bilang reaksyon sa pananalakay ng Moro National Liberation Front sa Zamboanga.
“Isang malaking kabiguan sa intelligence ang naganap na mga pagkilos ng MNLF sa Zamboanga. Ano ang nangyari sa intel budget ng DILG at PNP? Mukhang may natutulog sa pansitan,†puna ni Tiangco.
Binanggit pa ni Tiangco ang ilang pagkakataong naisahan ang DILG at PNP sa naganap na pambobomba ng mga terorista sa Mindanao sa nagdaang dalawang buwan tulad ng sa Cagayan de Oro noong Hulyo 26, Shariff Saydona Mustafa sa Maguindanao at Midsayap, North Cotabato noong Hulyo 31, at Cotabato City noong Agosto 5.
“Meron bang intelligence crisis sa DILG? Meron nang mga indikasyon at leads na pinapakilos ang mga miyembro ng MNLF. Maaaring isa itong pagkabigo ng DILG at PNP na mataya nang tama ang impormasyon o lubha nang kapabayaan ng DILG,†sabi pa ng opisyal ng UNA.
Nabatikos na dati ang DILG sa pagkakaroon ng intelligence fund na mas malaki pa kaysa sa tinatanggap ng Department of National Defense o ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
- Latest