Ulat Panahon
September 4, 2013 | 12:00am
MANILA, Philippines - Ang buong bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog. Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa hilagang-kanluran hanggang kanluran ang iiral sa Luzon at mula naman sa timog hanggang timog-kanluran sa nalalabing bahagi ng bansa. Ang mga baybaying dagat sa buong kapuluan ay magiging banayad hanggang sa katamtaman ang pag-alon.Ang araw ay sisikat 5:44 ng umaga at lulubog dakong 6:06 ng gabi.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended