Away sa tupada: 2 todas
MANILA, Philippines- Kapwa nasawi ang isang dating pulis at nakaaway nito sa isang tupada nang sila ay magduwelo kamakalawa sa Tondo, MayÂnila.
Namatay noon din si dating SPO2 Roberto Paulino, 56 ng no. 74 San Miguel Road, Delpan St., Binondo habang binawian naman ng buhay sa Mary Johnston Hospital si Julieto Oliver, 41, ng 565 Area-A Gate 2 Parola Compound, Tondo.
Batay sa ulat, 4:30 ng hapon nang humantong sa pagtatalo ang pambabatok ni Paulino kay Oliver sa kasagsagan ng tupada sa Area-A, Parola Compound sa Tondo. Agad bumunot ng kalibre 45 baril si Oliver at binaril sa kanang binti si Paulino.
Binunot naman ni Paulino ang kalibre 38, baril gumanti ng putok si Paulino subalit pumalya ito.
Kaya’t pinaputukan nang sunud-sunod ni Oliver si Paulino sa ulo at iba pang bahagi ng katawan nang bigla na lamang na may bumaril kay Oliver.
Namatay noon di si Paulino habang namatay sa ospital si Oliver na kung saan ay hindi alam kung sino ang bumaril sa kanya.
- Latest