Cayetano pinuri si PNoy sa ‘pork’ abolition
MANILA, Philippines - Ikinatuwa kahapon ni Senate Majority Floorleader Alan Peter Cayetano ang naging hakbang ni Pangulong Aquino sa paggamit ng pork barrel fund lalo pa’t siya umano ang nanguna sa pagsusumite ng resolusyon na nanaÂnawagan para tuluyan ng ibasura ang nasabing pondo ng mga mambabatas na pinagmumulan ng korupsiyon.
Sinabi ni Cayetano na hindi lang mga kapwa niya senador ang sumuporta at nakumbinsi sa kanyang panawagan na tanggalin na ang pork barrel kung hindi maging ang Pangulo.
Umaabot na kahapon sa 15 ang mga senador na sumusuporta sa resolusyon ni Cayetano at inaasahang may mga susunod pa matapos ang inihayag na posisyon ng Pangulo.
Nauna ng sinabi ni Cayetano na panahon na para buwagin ang pork barrel system at magpatupad na lang ng line item budget para maiwasan na ang pag-abuso at maling paggamit sa pondo
Maging si Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile ay nagpahayag kahapon na suportado niya ang pagtanggal ng pork barrel fund ng mga mambabatas pero dapat ding i-abolish ang iba pang pork barrel o lump sum appropriations ng lahat ng departamento ng gobyerno sa ilalim ng General Appropriations Act o taunang pambansang budget.
Samantala si CayeÂtano rin ang nagsumite ng resolusyon na nagmumungkahi na italaga bilang special independent investigator sa pork barrel scam si dating Sen. Panfilo Lacson bagay na sinuportahan din ng maraming senador maliban kay Sen. Miriam Defensor Santiago.
- Latest