MMDA member huli sa extortion
MANILA, Philippines - Naghihimas ngayon ng rehas na bakal ang isang tauhan ng Metropolitan MaÂÂnila Development AuthoÂrity (MMDA) matapos na arestuhin sa isang enÂtrapÂment operation sa Sta. Mesa, Maynila.
Sinampahan ng 11 counts ng kasong robbery extortion sa Manila ProseÂcutors Office si Benjamin Capili, 44, ng no. 616 Gerona St. Tondo, Maynila.
Sa report na tinanggap ni Chief Insp. Bernabe Irinco, Jr., hepe ng MPD-MASA, nagtungo sa kanyang tanggapan ang ilang vendor upang ireklamo ang umano’y panghihingi sa kaÂnila ng isang nagpakilalang taga MMDA.
Bunsod nito, agad na inutos ni Irinco ang entrapment operations na pinaÂngunahan naman ni PO3 Antonio Rigor at dalawang miyembro ng Hawkers.
Dakong alas-6 ng gabi noong Huwebes nang pumoste sa R. Magsaysay Blvd. ang mga pulis at nakita ang pagdating ng suspect na si Capili.
Agad na dinamba ng mga pulis si Capili at dinala sa MASA station kung saan positibong itinuro ng mga vendors na nanghihingi sa kanila ng P20 at P50 tuwing Huwebes.
Dito na sinabi ng mga vendors na hihingan sila ni Capili ng nasabing halaga upang makapagtinda sa sideÂwalk sa panulukan ng R. Magsaysay at V. Mapa St. sa Sta. Mesa, Maynila.
- Latest