Maimpluwensyang bading, ‘di napagbigyan ng natipuhang Fotog
MANILA, Philippines — Basta nagustuhan daw ng isang mayaman at maimpluwensiyang accla ang isang lalaki, hindi siya nangingiming lapitan ito.
Kuwento ng aming source, isang sosyal na magazine ang gustong i-feature ang bahay ng accla dito sa bansa at sa ibang bansa.
Una munang kinunan ang mapalasyong bahay ng accla sa isang magarang village. Buong team ng magazine ang dumating para kuhanan ang iba’t ibang parte ng bahay.
Observe-observe ang accla sa shoot. Eh biglang napansin na guwaping ang fotog, huh!
So habang may break, nilapitan ni accla si fotog. Tinanong kung sasama ba siya sa abroad sa photo shoot ng bahay niya.
Sumagot ng hindi ang fotog. Wala siyang pamasahe.
Tinawag ni accla ang isa sa team na kasama sa shoot sa abroad. Sasagutin na raw ng accla ang expenses sa biyahe ni poging fotog!
Sad to say, hindi ang pogi na fotog ang isinama kundi iba dahil may iba itong naunang assignment na shoot!
Kahit sino, basta type ang guy, walang hiya-hiya ang rich and famous na accla!
Rhian, pinasok na rin ang pagdru-drums!
Naku, dapat panoorin ng mga gustong maging member ng banda ang pelikulang Sinagtala dahil marami kayong matututunan sa pelikula.
Kuwento ang movie ng magkakaibigan na bumuo ng banda, sumikat pero nagkagulo, nabuwag at nabuong muli!
Eh star-studded ang movie led by Glaiza de Catro, Rayver Cruz, Rhian Ramos, Arci Muñoz at Matt Lozano mula sa direksyon ni Mike Sandejas!
Bongga si Rhia na nag-aral mag-drums para sa movie. May recordings na siya noong baguhan kaya kung may oras eh ituloy niya ang pagkanta, huh!
- Latest