Quiambao nagkaroon ng injury sa KBL debut
MANILA, Philippines — Magkaiba ang naging debut nina UAAP stars Kevin Quiambao at JD Cagulangan sa Korean Basketball League kahapon.
Nagkaroon si Quiambao, ang two-time UAAP Most Valuable Player ng La Salle Green Archers, ng isang right foot injury sa 7:42 minuto ng second quarter at hindi na nakabalik sa 57-84 kabiguan ng kanyang tropang Goyang Sono Skygunners laban sa Seoul SK Knights.
Bumagsak ang kanang paa ni Quiambao sa paa ng kanyang bantay matapos ang three-point attempt ng Gilas Pilipinas member sa 7:42 minuto ng second period kung saan naiwanan ang Skygunners sa 29-30.
Kaagad nilapatan ng lunas ang nasabing injury ng dating Green Archers superstar at hindi na muling ibinalik sa laro.
Impresibo naman ang KBL debut ni Cagulangan matapos magtala ng 7 points, 9 assists, 5 steals at 4 rebounds sa 63-78 kabiguan ng kanyang koponang Suwon KT Sonicboom sa Seoul Samsung Thunders.
Samantala, humataw si dating Fighting Maroons star forward Carl Tamayo ng 31 points sa 86-82 panalo ng Changwon LG Sakers kontra sa Anyang JKJ Red Boosters.
- Latest